"Masaya at saka thankful ako sa pagtanggap nila at pag-aalaga nila kay Mommy. Grabe, ang babait talaga! Tingnan mo, may project agad si Mommy. May trabaho. Hindi nila pinababayaan. Masaya talaga ako," says Matet de Leon about her mom, Nora Aunor (inset).

Photo: Noel Orsal

"Yung mga jokes niya, natatawa na kami. Dati pag nagka-crack ng jokes yun, 'Ano daw?'

"Mas ano na ngayon. Kasi mas naiintindihan na namin siya. 

"Malaki na kami, e. Iba na ngayon.

"Dati, 'O, kuya, sige dito lang kami.' Tapos pagsasabihan. Yung mga gano'n."

Ang hitsura ni John ang napansin ni Matet na nagbago at hindi ang masayang karakter nito.

"Tumanda na si Kuya John, pero makulit pa rin siya. Talagang nakakatawa talaga siya.

"Yung treatment sa amin... Actually, parehas lang. Kaya lang ngayon, mas naa-appreciate namin siya bilang tao.

"Naiintindihan na rin namin, e. 

"Na-down si Mommy, na-up si Mommy uli. Kung ginagamit niya si Mommy, e, di sana no'ng mahirap ang buhay, nilayasan na niya. 

"Pero hindi, e.

"Hindi lang naiintindihan ng iba kaya panay ang banat, di ba?" saad niya.

LOTLOT DE LEON. Kuwento pa ni Matet, madalang lang daw nilang makita ang Ate Lotlot dahil abala ito sa kanyang showbiz career.

"Busy si Ate. Hindi na niya 'ata alam ang salitang tulog. Ngayon, para siyang zombie!

"Siya ang nagmamaneho sa sarili niya... Napaka-anong tao. 

"Si Ate Lot ang taong pagod!" tawa ni Matet.