"Masaya at saka thankful ako sa pagtanggap nila at pag-aalaga nila kay Mommy. Grabe, ang babait talaga! Tingnan mo, may project agad si Mommy. May trabaho. Hindi nila pinababayaan. Masaya talaga ako," says Matet de Leon about her mom, Nora Aunor (inset).

Photo: Noel Orsal

"Hindi naman porke na nanay ako, e, nasa bahay na lang ako."

"Disciplinarian mommy" raw si Matet sa kanyang mga anak.

"Konting ano, sita. Hindi puwede sa akin ang spoiled-spoiled. 

"Yung husband ko, disciplinarian siya, sobra, pero minsan lang. Isang salitaan lang yun. 

"Ako lagi. Ako ang laging nakasubaybay.

"Siyempre, nasa nagsisimula ang pundasyon ng paglaki ng bata," saad niya.