"Masaya at saka thankful ako sa pagtanggap nila at pag-aalaga nila kay Mommy. Grabe, ang babait talaga! Tingnan mo, may project agad si Mommy. May trabaho. Hindi nila pinababayaan. Masaya talaga ako," says Matet de Leon about her mom, Nora Aunor (inset).

Photo: Noel Orsal

Sa sitwasyon nila ngayon ng Mommy Guy niya, hindi raw pinagsisisihan ni Matet ang mga pinagdaanan nilang buhay, kung saan nagkalayo sila nang matagal.

Aniya, "Sa akin, okey yun, e. Na-realize ko na hindi kami masisira basta-basta ng pamilya namin. 

"Nakikita naman ninyo kami pag walang tao sa bahay. Kung gaano kami kakulit."

JOHN RENDEZ. Nang tanungin naman ng PEP si Matet kung nagkita na sila ni John Rendez, mabilis siyang nagkuwento.

"Ay, naku, magkasama kami kahapon [Linggo]," banggit niya.

"Isa pa yun, ang kulit-kulit! Puro rin kami tawanan nang tawanan.

"Masaya rin kami. Nakakaloka! 

"Nag-cake kami sa Eastwood.

"Magkasama rin kaming binaha kahapon.

"Di ba, ang lakas ng ulan? Hindi kami makauwi.

"Lowered ang kotse namin. Hindi namin mailusong sa baha. Lahat kami tumawid sa baha.

"Ang kulit namin kahapon... Ako, si John, yung asawa kong si Mickey [Estrada], at yung kapatid naming si Kenneth."

May pagbabago bang nakita si Matet sa samahan nila ni John noong nandito pa ito sa Pinas, at sa samahan nila ngayong nakabalik na ito ng bansa?

Aniya, "Ganun pa rin. 'Hi, Kuya John! Hello! Kain lang kayo diyan! Okey!'

"Pero ngayon, iba na.