John Prats comments on co-host Matteo Guidicelli's clash with Coco Martin

Rey Pumaloy
Tuesday, September 06, 2011 @ 03:53PM  |  77559 views

 

John Prats on Matteo Guidicelli and Coco Martin's heated encounter, which was already said to have been fueled by jealousy over Maja Salvador: "Oo, nagseselos rin ako. Nasa partner mo din naman yun, e. Kung paano ka niya iha-handle? So, yung akin naman, hindi lang talaga ako palaaway. Parang mas gusto ko na lang manahimik. Kung anuman yung mangyayari, ipinagdadasal ko na lang."

Photo By: Noel Orsal













Maraming isyu at tanong ang sinagot ni John Prats sa pagharap niya sa ilang grupo ng press kagabi, September 5, pagkatapos ng launching program para sa kanilang mga bagong ambassadors ng Marikina Shoe Exchange (MSE), isang direct selling company na ginanap sa ballroom ng Richmonde Hotel sa Eastwood City.

Pero bago siya sumalang sa mga paglilinaw ng mga isyu, inuna muna niya ang pasasalamat sa MSE dahil ito ngayon ang sponsor sa kanyang segment na "Ikaw Ang Bida" sa noontime program ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey!.

POKWANG'S STATUS. Una munang ipinaliwanag ni John sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang status ni Pokwang sa kanilang noontime show.

Bukod kasi kay John, si Pokwang din ay lumalabas ng studio.

"Hindi... Si Kuya Randy [Santiago] ang nag-start ng 'One Time Big Time' [segment] niya.

"Then, siya [Pokwang] na ang nag-take over ngayon dahil mas kailangan din siyempre para mas buo yung tatlo [Randy, John Estrada, and Rico J. Puno] sa studio.

"Ako talaga ang every day sa labas. Si Mama Pokwang naman, MWF lumalabas.

"Masaya talaga na iba-ibang kuwento at pangangailangan yung mga nakikita ko sa segment ko.

"Sabi ko, 'Grabe pala yung problema nila sa problema ko,'" na ang ibig sabihin ni John ay masuwerte siya sa estado ng buhay niya ngayon.

MATTEO VS. COCO. Nagsalita rin si John tungkol sa engkuwentro nina Mateo Guidicelli at Coco Martin sa Star Magic Ball. (CLICK HERE to read related story.)

Magkasama sa Happy, Yippee, Yehey! sina Matteo at John.

"Well, katulad nga ng sabi ni Kuya John [Estrada] kanina, dalawa 'yan, e.

"Nakasama ko rin si Coco, nakasama ko si Matteo. Dalawa silang... napakabait ng dalawang 'yan.

"Wala akong masasabi. Wala akong naging problema sa kanilang dalawa.

"Kung ano ang problema nila, silang dalawa lang. Sila ang nagkakaintindihan at may alam ng totoong istorya.

1  2  3  Next »

Related Articles

18 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name