May kung ilang linggo nang nababalita ang tungkol sa pagiging malapit sa isa't isa nina Nadine Samonte at Leandro Muñoz, na nagsimula noong kalagitnaan ng taping nila para sa nagwakas na nilang serye sa TV5, The Sisters.
Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), umamin si Leandro na interesado siyang makilala nang husto si Nadine at nasa estado na siya ng pagpaparamdam ng interes niyang maging kasintahan ang aktres. (CLICK HERE to read related story.)
Nanatiling tahimik si Nadine tungkol sa pagiging close nila ni Leandro, at pati na ang tunay na estado ng relasyon nito kay Emerson Chua.
Pero kahapon, September 5, sa taping ng Sa Ngalan ng Ina, ang mini-serye ng TV5 kunsaan bida si Nora Aunor, sa Bosoboso, Rizal, sa kauna-unahang pagkakataon ay umamin sa PEP si Nadine sa kaganapan ng samahan nila ni Leandro.
Inamin ni Nadine na masaya siya kay Leandro, lalo na tuwing magkasama sila nito.
Dagdag pa ng aktres, nagtagpo ang takbo ng kanilang utak ni Leandro. Pareho raw sila ng pananaw sa buhay.
"Parang futuristic yung utak naming dalawa. Yun bang not thinking today but for tomorrow, something like that.
"So, pag nagkukuwentuhan kami, 'Ay, ganun ka ba? Gano'n din ako. Bakit gano'n?
"Something like that."
Natuwa naman si Nadine sa mga nalaman niyang deskripsyon sa kanya ni Leandro bilang isang babaeng "mabuti ang puso, hindi showbiz, at mapagpakumbaba."
"Ahm, parehas kami. Hindi ako ma-artistang effect na...
"Kasi may ibang artista na yun lang yung iniisip, yung fame, ganyan.
"Ako kasi, hindi 'yan ang iniisip ko, e. Ang iniisip ko kung paano ako makakatulong sa family ko.
"Yung pag-aartista ko, ginagawa ko para sa pamilya ko.
"Siyempre, para na rin sa sarili ko. At least kumikita ako.




0

