Nagsimula sa blind item hanggang sa pinangalanan na sina Rufa Mae Quinto at ang kanyang Bubble Gang co-star na si Boy2 Quizon na diumano'y may relasyon na sila.
Earlier this week, nakita rin sila diumanong magkasama habang hinihintay ang kanilang eroplano papuntang Hong Kong.
Last Sunday, September 4, ay nagsalita na si Rufa Mae tungkol dito sa panayam sa kanya ng kanyang co-host sa Showbiz Central na si Pia Guanio.
Una muna ay binanggit ni Pia na she can personally attest na nakita niya sa Hong Kong immigration si Rufa Mae kaya sigurado ito na pumunta nga ang sexy comedienne sa Hong Kong.
At nakita rin daw ni Pia na magkasama sina Rufa Mae at Boy2.
Paliwanag naman ni Rufa Mae, "Ang hindi po alam ng lahat, na kami ni Boy2 kasi, bukod sa magkasama kami sa Bubble Gang, matagal na kaming magkaibigan, sampung taon nang mahigit, at saka meron din kaming company.
"We have an advertising company, may production din kami. Mag-business partner kami.
"Nagpunta kami dun... Una kasi, ganito 'yan.
"Niyaya ako ni Ruffa Gutierrez [to go to Hong Kong], nagyaya lang, parang ganyan.
"Tapos biglang hindi natuloy kasi si Tita Annabelle [Rama], umalis.
"Tapos, bukod dun, meron din kaming business meeting doon.
"Kasi may producer kami, so pumunta kami to meet the producers.
"Hindi lang Hong Kong ang pupuntahan namin, kasi yung production namin is international din.
"Bukod dun [Hong Kong], may pupuntahan pa kaming iba't ibang bansa.
"Kasi hindi nila alam... Di ba, ako, producer na talaga ako? So ngayon, siya [Boy2], producer din."




0

