"May nagsabi nga sa akin na, 'You're living a bachelor's life!' Oo, at exciting ang buhay natin, pero someday gusto ko rin naman na ma-share ang buhay ko with somebody else other than my kids. Darating din naman siya... soon," says Marvin Agustin.

Photo: Noel Orsal

Isa si Marvin Agustin sa mga natutuwa sa matagumpay na pilot week ng bagong fantasy-drama series ng GMA-7 na Iglot.

Masaya ang actor-businessman dahil sa magandang pagtanggap ng televiewers sa kanilang bagong series. Marami rin ang nagbigay ng positive reviews sa performance ng buong cast.

Lalo raw nilang pinapaganda ang bawat eksena ng Iglot dahil sa magagandang feedback na natatanggap ng kanilang show.

Ayon kay Marvin, first time niya ulit na lumabas sa isang serye kunsaan kinakailangan niyang mag-drama nang husto.

Ang huli niyang heavy drama ay ang primetime series na Beauty Queen (2010) at ang afternoon soap na Tinik sa Dibdib (2009).

"Sa Beauty Queen kasi obsessed lover ako doon. Maraming emotions na kailangan.

"Gano'n din sa Tinik sa Dibdib na mabibigat din ang mga scenes.

"Before yung Beauty Queen, mga telefantasya tulad ng Panday Kids at yung guest role ko sa Pilyang Kerubin ang mga ginagawa ko.

"Kahit na yung Adik Sa 'Yo, light drama-comedy naman 'yon.

"Kaya itong Iglot, napaarte ulit ako nang todo. Sa pilot episode pa lang naman, nakita naman ninyo na drama na kaagad.

"Maganda ang motivation sa amin ni Direk Gil [Tejada Jr.] at nakatulong nang husto yung nag-acting workshop kami ulit kay Tita Bevs [Beverly Vergel].

"Parang na-refresh kami ulit sa mga gagawin naming acting sa TV," pahayag ni Marvin nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network Center.

WORKING WITH CLAUDINE. Nagpapasalamat din si Marvin at nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho si Claudine Barretto. First time nilang nagkasama sa isang drama series at napabilib siya sa husay pa ring umarte ng aktres.

Ani Marvin, "Never kasi kaming nagkatrabaho noong nasa ABS-CBN pa kami.

"Napapanood ko lang siya noon kaya wala akong experience how is it like working with her sa isang dramatic na eksena.