Maja Salvador on Coco Martin-Matteo Guidicelli brawl: "Hindi ko po kasalanan na may nangyaring gano'ng insidente."

Ruben Marasigan
Wednesday, September 07, 2011 @ 05:50PM  |  114409 views

 

"Ito ang pinakamahirap na pelikulang nagawa ko. Pero sabi ko nga, it's all worth it. It's my first solo movie talaga. Na, ako lang. Na, nakakakaba. Pero 'andiyan si God. Tutulungan Niya tayo," says Maja Salvador about her solo movie, Thelma.

Photo By: Noel Orsal













Bago ang takdang opening ng indie film na Thelma in more than 50 theaters ngayong araw na ito, September 7, isa pang premire ang isinagawa para sa pelikula kagabi, September 6, sa Greenbelt 3 sa Makati City. 

Standing room only ang sinehan where it had its screening. Naroon din ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Marami ang pumuri sa pagganap ng bida ng pelikula na si Maja Salvador.

Ginagampanan niya rito ang papel ng title character, si Thelma, isang dalagita mula sa isang mahirap na pamilya sa Laoag, Ilocos Norte na nangarap magtagumpay sa larangan ng marathon para maiahon sa hirap ang kanyang mga mahal sa buhay at maipaopera ang paa ng naaksidenteng kapatid para makalakad muli.  

Pati pagbibitaw niya ng Ilocano dialogue ay napakanatural din. Iisipin mong isa siyang Ilokana talaga.

Biro nga ng press people sa young actress pagkatapos ng screening, hindi kaya nagkakalyo ang kanyang mga paa dahil sa mga tagpong tumatakbo siya na naka-paa lang?

Sabi naman ni Maja, "Lagi nga akong nakayapak kaya may mga sugat-sugat siyempre. 

"Kasi tumatakbo ako sa rough road din at sa mga putikan.

"Pero para sa akin, it's all worth it. Kasi napakaganda ng kinalabasan ng pelikula.  

"Ako, kahit paulit-ulit ko na siyang napapanood, sobra pa rin akong lalong nai-inspire sa kuwento.

"When it was offered to me at binasa ko 'yong script, na-inspire ako, e.  Sinabi ko sa sarili ko na kaya ko itong gawin. 

"Nakikita ko si Maja na magpi-fit sa character ni Thelma. Dahil nakita ko 'yong sarili ko kay Thelma, e. 

"Maraming in-offer na indie film po sa akin. Pero hindi ko nagustuhan ang script. Kasi medyo sexy... gano'n. 

"E, gusto ko kakaiba. 

"Kaya no'ng in-offer sa akin 'yong Thelma, maganda 'yong story. 

1  2  3  4  Next »

Related Articles

64 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name