Bago ang takdang opening ng indie film na Thelma in more than 50 theaters ngayong araw na ito, September 7, isa pang premire ang isinagawa para sa pelikula kagabi, September 6, sa Greenbelt 3 sa Makati City.
Standing room only ang sinehan where it had its screening. Naroon din ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Marami ang pumuri sa pagganap ng bida ng pelikula na si Maja Salvador.
Ginagampanan niya rito ang papel ng title character, si Thelma, isang dalagita mula sa isang mahirap na pamilya sa Laoag, Ilocos Norte na nangarap magtagumpay sa larangan ng marathon para maiahon sa hirap ang kanyang mga mahal sa buhay at maipaopera ang paa ng naaksidenteng kapatid para makalakad muli.
Pati pagbibitaw niya ng Ilocano dialogue ay napakanatural din. Iisipin mong isa siyang Ilokana talaga.
Biro nga ng press people sa young actress pagkatapos ng screening, hindi kaya nagkakalyo ang kanyang mga paa dahil sa mga tagpong tumatakbo siya na naka-paa lang?
Sabi naman ni Maja, "Lagi nga akong nakayapak kaya may mga sugat-sugat siyempre.
"Kasi tumatakbo ako sa rough road din at sa mga putikan.
"Pero para sa akin, it's all worth it. Kasi napakaganda ng kinalabasan ng pelikula.
"Ako, kahit paulit-ulit ko na siyang napapanood, sobra pa rin akong lalong nai-inspire sa kuwento.
"When it was offered to me at binasa ko 'yong script, na-inspire ako, e. Sinabi ko sa sarili ko na kaya ko itong gawin.
"Nakikita ko si Maja na magpi-fit sa character ni Thelma. Dahil nakita ko 'yong sarili ko kay Thelma, e.
"Maraming in-offer na indie film po sa akin. Pero hindi ko nagustuhan ang script. Kasi medyo sexy... gano'n.
"E, gusto ko kakaiba.
"Kaya no'ng in-offer sa akin 'yong Thelma, maganda 'yong story.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
64 johacathz
63 ehemm
62 critical_critic
61 BlueBonnet
60 maserati222
59 Bebangs
58 ronatatil23
57 critical_critic
56 ehemm
55 emansi
54 pilyangmaganda
53 pretty
52 emansi
51 cyrene012089
50 chilli44
49 kiwipinay
48 lhes2004
47 ayabaolinteu2
46 greatness
45 pepers
more comments