"I was introduced to the President at Kuya Ogie Alcasid's birthday party. I conversed with him there, and the last time I checked, there's nothing wrong with that, di ba? And that does not equate to dating the President," says actress Iza Calzado about rumors that she is dating President Noynoy Aquino.

Photo: Noel Orsal

Itinanggi ng aktres na si Iza Calzado ang balitang nag-date o nagde-date sila ni Pangulong Noynoy Aquino.

Kaninang umaga, September 7, ay dumating na mula sa Vancouver, Canada si Iza. Nagulat ang aktres nang salubungin siya ng media at tanungin tungkol sa pagli-link sa kanila ni PNoy.

Ayon kay Iza, ipinakilala siya kay PNoy ni Ogie Alcasid sa birthday party ng singer noong August 27.

"I conversed with him there, and the last time I checked, there's nothing wrong with that, di ba?

"And that does not equate to dating the President," sabi ni Iza sa panayam sa kanya ng GMA News.

Ayon pa sa Kapuso actress, nahihiya raw siya sa pagli-link sa kanila ng Pangulo.

"I don't know what to feel. But it's not true that we are dating," diin pa niya.

Dagdag ni Iza, hindi pa raw siya handa sa panibagong relasyon lalo na't katatapos lang ng relasyon nila ng businessman na si Atticus King.

"With all due respect to the President, I mean... I just came out from a relationship and, you know, I'm really not there.

"Kaya I'm not ready to entertain anyone at this point," saad niya.