"Naku, hindi lang kay Sam! Talagang yung isang yun. Marami rin namang iba. Yun lang siguro yung pinaka-safe niyang nasabi. Marami rin naman siyang napagselosan. It just so happened na yun lang yung nasabi niya," says Toni Gonzaga about the issue that her boyfriend Paul Soriano is the reason why Sam Milby was excluded from lineup of guests in her concert.

 

Photo: Allan Sancon

"So, yung last film na ginawa ko last year was Amnesia Girl. So, kasama na rin siya dito [sa concert].

"It's really like a story and like a movie, yung concert."

BEST FRIEND VHONG. Kuwento pa ni Toni, "Si Vhong [Navarro] is also a part of my guest [lineup] in my concert.

"Kasi, siya yung unang-unang lalaki naman na naging ka-close ko sa... actually sa showbiz.

"Dati wala. Nahihiya akong makipagkaibigan.

"Si Vhong talaga yung unang-unang naging kaibigan ko dito sa showbiz.

"Kaya kasama rin siya. Kasi marami namang alam si Vhong sa akin."

WHERE IS SAM MILBY? Kapansin-pansin na wala si Sam Milby sa line-up guests niya. Kung iisipin kasi, nakasama rin niya sa maraming pelikula ang singer-actor na for a while ay na-link din sa kanya.

"Hindi ko pa alam. Kasi marami silang itinatago sa akin, e. May mga surprise guests sila, e.

"Malay mo i-surprise niya ako!" natawa niyang sabi.

"Hindi ko alam, e."

Conclusion tuloy ng iba na kaya hindi isinama si Sam ay malamang na dahil among her leading men, kay Sam talaga nagselos ang kanyang boyfriend na si Paul Soriano.

"Naku, hindi lang kay Sam!" bulalas ni Toni.

"Talagang yung isang yun. Marami rin namang iba. Yun lang siguro yung pinaka-safe niyang nasabi.

"Marami rin naman siyang napagselosan. It just so happened na yun lang yung nasabi niya.