"Naku, hindi lang kay Sam! Talagang yung isang yun. Marami rin namang iba. Yun lang siguro yung pinaka-safe niyang nasabi. Marami rin naman siyang napagselosan. It just so happened na yun lang yung nasabi niya," says Toni Gonzaga about the issue that her boyfriend Paul Soriano is the reason why Sam Milby was excluded from lineup of guests in her concert.

 

Photo: Allan Sancon

Bata pa lang daw siya ay pangarap na ni Toni Gonzaga ang makapag-perform sa Araneta Coliseum.

At matutupad na ito as she celebrates her 10th year in showbiz come September 30 sa pamamagitan ng isang major concert dubbed Toni At 10.

Ayon sa multi-media star, ang kanyang concert ay magpapakita ng kanyang journey bago niya narating kung nasaan man siya ngayon.

Kasama rito ang mga importanteng tao na naging bahagi ng kanyang pagsisimula at highlights sa kanyang buhay showbiz.

I LOVE YOU PIOLO! Isa sa maituturing ni Toni na mahalagang tao sa kanyang career ay si Piolo Pascual.

Kung matatandaan, si Piolo ang siyang nakasama ni Toni sa isang softdrink commercial kung saan unang napansin ang actress-singer.

Personal daw niyang pinuntahan si Piolo para imbitahan na mag-guest sa kanyang concert, at hindi naman siya hinindian ng matinee idol.

"Alam naman siguro ng iba na malaking parte si Piolo Pascual ng karera ko. Dahil it all started with my big break do'n sa, 'I love you Piolo!' commercial.

"After almost a year of my life, when I was starting and I was trying to get into showbiz, ang pangalan ko talaga [sa mga tao] ay 'I love you Piolo'.

"For one year [yun ang tawag sa akin]. Pasalamat ako at naka-graduate ako do'n."

LLOYDIE INCLUDED. Patuloy ni Toni, "Tapos si John Lloyd siyempre. Ahm, one of my biggest dreams... na pangarap kong makatrabaho siya na di ko na inaakalang mangyayari.

"Last year, e, nangyari. And of course, because of him, I was also able to experience yung box-office award.

"Na queen [ako], na sanay na sanay na si John Lloyd [maging box-office king].

"So, malaking parte ng buhay ko na because of our movie, na-experience ko yun.