Masaya ang model turned actor na si Will Devaughn dahil matapos ang kanyang naunang primetime show sa GMA-7 na Dwarfina, ay masusundan ito kaagad ng panibagong project—ang afternoon soap na Kung Agawin Mo Ang Langit.
Kahapon, Setyembre 7, ang unang taping day ng naturang palabas, at si RJ Salvador, anak ng producer na si Ramon Salvador, ang unang nakaeksena niya.
Pero makakasama niya rin dito sina Carla Abellana, Michelle Madrigal, at Mike Tan.
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Will noong Martes, Setyembre 6, sa isang coffee shop sa Ayala, Makati City, sinabi niya ang magiging role niya sa upcoming soap opera ng Kapuso network.
"Ano siya, pre-school teacher plus artist. Parang ang forte niya parang mga sculptures, paintings, or anything that has to do with arts.
"Hindi ko pa sure kung swimmer din siya, ang alam ko pre-school teacher and artist.
"Pero yun ang sabi sa akin, na puwedeng madagdag yung isang ano lang and I'll be a swimmer.
"So, sana, sana naman I love swimming, it's a beautiful thing, masaya naman, e," sabi niya.
A DIFFERENT ROLE. Ibang-iba raw ang role ni Will sa bago niyang project, kaya naman masayang-masaya siya sa pagbabago ng karakter na kanyang gagampanan.
"Oo, iba-iba evolve, 'no?" natatawang sabi ni Will.
"Grabe sa Dwarfina duwende, tapos nag-iba, di ba?
"That's why I'm happy too kasi nag-shift yung role kaysa Dwarfina."
Pero, kahit pa nagbago ang kanyang karakter sa project na ito, wala naman daw masyadong paghahanda na ginawa si Will.
Ito'y dahil mahilig siya sa bata kahit noon pa.
"To be honest with you, I love kids already," pag-amin niya.




0

