"Basta yung Star Magic, mga handlers ko, mga managers ko, kung sa tingin nila tama siya for my image, okay lang po talaga. Pero kung sa tingin nila, sobra na siya for my image, yun, susundin ko po sila kung anuman ang desisyon nila," says Enrique Gil about playing daring roles in the future.

Photo: Jocelyn Dimaculangan

Nang may nagbiro kung ipapasilip niya ang best asset niya sa Cosmo Bachelor Bash, ang sagot ni Enrique: "Baka, sige!"

Kung titingnan, parang "game" naman si Enrique sa pagpapaseksi. Kung saka-sakali ay payag ba siyang gumanap ng sexy or daring roles?

"Oo naman po," sagot ng binata.

"Basta yung Star Magic, mga handlers ko, mga managers ko, kung sa tingin nila tama siya for my image, okay lang po talaga.

"Pero kung sa tingin nila, sobra na siya for my image, yun, susundin ko po sila kung anuman ang desisyon nila.

"Pero kung ako naman po, sanay na ako sa mga roles na ginagampanan ko ngayon. 

"Siguro po kung dumating man ang time, titingnan ko pa rin po kung paano ko ia-approach. 

"Hindi ko pa po talaga alam."

KATHRYN BERNARDO. May nililigawan ba siya ngayon?

"Ngayon, sabi nila si Kathryn [Bernardo] daw. Pero, hindi naman. Wala naman po ngayon. 

"Siguro super ano [busy] sa trabaho, saka dito, sa Cosmo. 

"Kung may babae pa sa isip ko, e, di siyempre, hindi ka makaka-concentrate, e, napakalaking bagay po. 

"Siguro for me, kung wala masyadong trabaho... Who knows, kung merong babaeng dumating sa buhay, e, di okay. 

"Kung wala, e, di wala."

Dagdag pa niya, "Kami naman ni Kathryn, good friends kami."