Lalabas nga ba sa isang pelikula ng Star Cinema si Edgar Allan Guzman?
Ang naunang pahayag ng indie film actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, September 9: "Wala pong nasasabi sa akin about diyan sa Star Cinema movie."
Sa mga report na lumabas, nabanggit ang posibilidad na makakasama siya sa pelikulang pagtatambalan nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin.
Subalit sa paglilinaw ng kanyang manager na si Noel Ferrer, kailangan pang magpaalam ni Edgar sa Regal Films.
Narito ang statement na natanggap ng PEP kanina, September 10, mula kay Ferrer (published as is):
"Yes, there is an offer from Star Cinema na gumawa si Edgar ng pelikula kasama si Direk Cathy Garcia-Molina (na naging direktor niya sa MMK) at ang idol niyang si John Lloyd Cruz.
"Isang karangalan kay Edgar na mabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho sina Direk Cathy at John Lloyd.
"Ngunit bilang contract star ng Regal Films, kailangang ipaalam kina Mother Lily at Roselle Monteverde ang pagsama ni Edgar sa pelikulang ito. Sana mapayagan siya."
ALL-PRAISE. Samantala, mas ikinatutuwa ngayon ni Edgar Allan ang natamong papuri mula mismo sa Superstar na bidang aktres ng Sa Ngalan ng Ina.
Sa latest interview ni Guy, with some press people, diumano ay sinabi ng Superstar-actress na mahusay at standout performers ang mga kabataang nakakaeksena niya sa serye na sina Edgar Allan at Alwyn Uytingco.
Parehong gumaganap na stepsons ni Ate Guy sa mini-series sina Alwyn, bilang Alfonso Deogracias, the blacksheep stepson, at Edgar Allan bilang Angelo Deogracias, a young police officer.
Two weeks ago, matinding kaba ang nadama ni Edgar Allan sa unang pagharap niya sa kamera with Ate Guy and Direk Mario O'Hara.
This time, maganda naman ang ngiti ni Edgar Allan as he heard encouraging words na umano'y nagmula kay Nora Aunor.




0

