[x]

 

Andi Eigenmann graced the launching of Biblio, a photo book featuring the wards of PPL, the initials of Perry L. Lansigan.

Photo: Karen Pagsolingan

Ginulat ni Andi Eigenmann ang press na dumalo sa launch ng Biblio, ang photo book ng PPL (Perry P. Lansigan) Entertainment, Inc., na ginanap sa The Establishment, The Fort, Taguig City.

Suot-suot ang isang kulay old rose na long dress, very evident ang kanyang sixth-month pregnancy nang dumating ito pasado alas otso ngayong gabi, September 9.       

Una nitong binati ang kanyang Kuya Gabby, na talent ng PPL.     

Pagkatapos, umupo siya sa tabi ng mga kaibigang sina Megan at Lauren Young.                       

Habang kausap ang dalawang Star Magic talents, nagkaroon ng pagkakataong makasingit sa usapan ang piling reporters.

"Kumusta ka?" ang bungad na tanong. 

Sagot ni Andi, "Okay ako ngayon. Masaya ako. Yun lang."

Nang usisain siya tungkol sa kanyang pagbubuntis, "Wala naman ako naging problema," ang matipid niyang sagot. 

Ready na ba siya for motherhood?

"Yes. Medyo."

Bago pa humaba ang usapan, pinigilan ito ng kanyang kuya na magpa-interview.

At pagkalipas ng ilang minuto, agad na itong lumayo muna sa main venue.

Bumalik ito makalipas ang ilang oras. Sa pagkakataong ito, nagsi-alisan na ang mga TV crew.

Bandang alas diyes nito nilisan ang venue. At ang sumundo sa kanya: ang rumored boyfriend niya na si Jake Ejercito.