Bukod sa suntukang namagitan between Matteo Guidicelli at Coco Martin, isa ring isyung lumabas sa nakaraang Star Magic Ball ay ang panunugod daw ni Robin Padilla kay Zanjoe Marudo.
Isang kuwentong lumabas ay na-offend daw ang action star sa skit na ginawa nila Zanjoe at Vhong Navarro, kung saan they touched on the past of Robin's wife, Mariel Rodriguez.
Si Zanjoe at si Mariel ay dating magkasintahan.
PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) and Cinema News were able to interview Mariel last Thursday in her dressing room sa Happy, Yipee, Yehey. Nagbigay ng pahayag ang TV host sa totoong nangyari.
"I don't know if I should comment on that, but one thing for sure, hindi si Robin sumugod sa Star Magic Ball, hindi siya sumugod at all.
"I dunno kung ano ang sinasabi ng both camps pero... masasabi ko na walang kasalanan si Robin dito, wala siyang intention na makipag-away.
"Hindi ko alam kung saan kami pupunta that night, ride lang ako ng car. Sabi ko sa kanya, 'Ano ang ginagawa natin dito?' Nagkape kami, nakaupo lang kami sa lobby [ng hotel]. Nakita pa namin si Kim Chiu, si Direk Malou, si EJ, si Diet."
Klinaro ni Mariel na wala itong kinalaman sa skit gaya ng nabalita.
"It's not the skit. Wala namang problem sa skit... Hindi naman mababaw na tao si Robin, ang tagal-tagal na niya sa industriya. Ang dami-daming nag-spoof sa kanya, okay lang naman."
"If there's anything Zanjoe would like to tell to Robin, Zanjoe should feel free to tell Robin, yun lang naman ang sa kanya. Ayoko kasi yung dating na sinugod ni Robin, di ba ganun ang lumalabas? Hindi naman ata fair na porke't mayroon siyang history, ang lahat ng dating parang ganun," ang sabi ni Mariel.
"It wasn't like that. I was there with Robin. It was not sugod, kasi when you say sugod, it's like you're ready to break someone's head, parang suntukan na ito, hindi ganun."
Tinanong uli namin kung ano ba talaga ang rason, pero tikom talaga ang bibig ni Mariel kahit alam niya ang totoong dahilan ng asawa.
"Siyempre alam ko, pero hayaan na lang natin kasi hindi naman ako ang involved. Gusto ko lang sabihin na hindi siya sinugod ng asawa ko."
Ang maganda sa nangyari ay nakapag-usap na si Robin at Zanjoe at naklaro na ang dapat klaruhin. Para kay Mariel, maliit lang ang mundo ng showbiz at nasa iisang bubong lang sila ng ABS-CBN.
"Yeah, they talked. Sa totoo lang, di ko na tinanong pero nag-usap na sila nung Tuesday.




0

