news

Iwa Moto says she doesn't know if Mickey Ablan's current girlfriend Janna Dominguez is pregnant or not; claims that Mickey wants a reconciliation

by Gorgy Rula posted on September 10, 2011  STATS: 32835 Views | 15 Comments

Ayaw man sana niyang sabihin, pero nasabi na rin ni Iwa Moto na may balak daw ang dati niyang boyfriend na si Mickey Ablan na makipagbalikan sa kanya. Idinaan daw ni Mikey ang mensahe sa  kanyang Twitter account. Kasalukuyang nasa Osaka, Japan si Iwa.

 

Photo By: Noel Orsal

Tikom pa rin ang bibig ng magkasintahang Mickey Ablan at Janna Dominguez kaugnay sa isyung buntis daw si Janna.

Binawalan kasi si Janna ng kanyang manager na si Gwen dela Paz na sagutin ang isyu. Pagdating na lang daw ni Gwen mula sa Canada tsaka nila pag-uusapan ang susunod nilang hakbang.

Ayaw na rin ni Janna magsalita kung tungkol lang kay si Iwa Moto ang mga tanong. Si Iwa ang dating girlfriend ni Mickey.

Na-contact ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mickey sa pamamagitan ng kanyang Twitter account pero sinabi nitong wala naman daw isyu.

Sinubukan naman ng PEP na kontakin si Iwa, na halos dalawang buwan nang nasa Osaka, Japan.

Ayon kay Iwa, wala raw siyang alam tungkol sa  diumano'y pagbubuntis ni Janna.

Wala naman daw siyang komunikasyon sa dalawa.

Nagkaroon daw sila ng palitan ng mensahe ni Mickey sa Twitter, pero nagtalo lang daw sila.

"Nag-tweet siya sa akin ng private message sa closed account ko. Hanggang sa nagtalo kami tapos me nag-post na sa Facebook ko tapos nagkagulo na," simulang kuwento ni Iwa.

Meron lang daw siyang deretsong komunikasyon sa anak ni Mickey na si Ysabel at sa Mommy ng dating boyfriend.

Hindi naman daw nagbago ang pagtingin niya kay Ysabel at mahal na mahal pa rin daw niya ito.

Ang ipinagtataka lang ni Iwa ay bakit pa nakikipag-communicate si Mickey sa kanya.

"Hindi ko rin alam kung anong nangyayari, siguro gusto niyang makapag-reach out din pero hindi ko rin alam kung anong intentions niya. Basta ako, naiinis ako siyempre kasi ang layo ko na nga e, andito na ako sa Japan, iba na yung buhay ko, iba na yung inaasikaso ko pero until here, hinahabol pa rin ako ng past ko," dagdag pa niya.

Ayaw man sana niyang sabihin, pero nasabi na rin niyang may balak si Mickey na makipagbalikan sa kanya, na idinaan sa pagpapadala ng mensahe sa kanyang Twitter account.

"Hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating sa akin basta, nandito na ako sa Japan. Nag-message siya sa akin, nagkaroon [kami] ng argument and pinost ko yung message namin," sagot nito sa PEP.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

15 Comments

  • 15  panyan

    09/11/2011 | 05:53 PM
    praning tlga..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  jinks_mont

    09/11/2011 | 02:27 PM
    ok
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  kaiza

    09/11/2011 | 11:38 AM
    ganda nhya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  lanalang08

    09/11/2011 | 10:00 AM
    marklapid take note lang patay na ang tatay ni iwa moto kaya hindi siya nasa japan para asikasuhin iyon. huli ka naman sa balita.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  humandynamics

    09/11/2011 | 09:58 AM
    kung magpapa annul ka mas matagal pa ang proseso ng annulment kesa sa kasal mo.. obvious naman na gusto ng mga pilipino ang divorce hindi pa kasi gawing legal. at least nandiyan yan kung kailangan mo, at kung ayaw mo sa divorce eh di huwag. pero walang karapatan ang gobyerno na pagsamahin ang ayaw.. kasal nga naghihintayan naman kung sinong maunang mamatay, lol.. ay oo nga pala sabi sa bibliya huwag paghiwalayin ang magasawa.. oo nga naman 0.0
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  MarkLapid

    09/11/2011 | 09:09 AM
    Totoo siguro yong marriage nila ni Mickey, kaya ganyan ang kanyang reaction. Nasa Japan pala sya, inaasikaso siguro yong father na, nagkasakit yata.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • leavillarin40

    09/11/2011 | 01:28 AM
    she is a very bad example to people her age...yung mga iskandalo nila ng bf niya, it was all in bad taste. dapat hindi sya tinutularan at di na tinatangkilik, she's a disgrace!!! GMA-7, magising na kayo!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Pwera_kuto143

    09/11/2011 | 12:53 AM
    Bakit ilang taon n ba itong si Iwa? Dual citizenship b ang hawak nia? Kc if im not mistaken Pagdting mo ng 20yrs old u have to choice already. Hirap kayang kumuha ng jap.citizenship. Marami kapang uubusing pera. D sila basta basta nagbibigay kahit anak ka pa ng hapon at besides ang tagal mong d tumira sa Japan. Matagal pa ipaghihintay mo ineng.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lenzilenz

    09/10/2011 | 11:28 PM
    ppnta k pla japan nun nkita k nmin sa terminal 3 n ngsasasayaw sa ppsok sa immigration, super epal, npkcheap, m ksma k mga friends at jowa mo n hinalikan mo at sbay sbi n "gusto mo mag motel muna tau" npaka cheap! ang ganda mo p nmn pla sa personal tlga kso ang squatter mo kumilos at mgssasalita! wala man lang k class2 grabe!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • flow246

    09/10/2011 | 11:03 PM
    bakit ka pa nag-comment kung gusto mo nang tahimik na buhay? Let actions do the gossip, hwag yong puro dada.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • critical_critic

    09/10/2011 | 11:03 PM
    pwede namang mag-'no comment' na lang sa simula pa lang ng interview at wag na mag-elaborate. bat pa kasi nakikisawsaw sa isyu eh wala na nga kayo nung lalaki di ba.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shidax

    09/10/2011 | 10:47 PM
    o iwa aamin ka na ba na kasal talaga kayo ni mickey???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • prettycheena

    09/10/2011 | 10:26 PM
    la nba iba news?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • zhan2010

    09/10/2011 | 10:18 PM
    DEDMA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hoperisen888

    09/10/2011 | 09:55 PM
    papansin.....ksp
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About