[x]

 

"If my sister wants to acknowledge the request of a DNA test, wala na kaming magagawa, sige. 'If you say okay, okay. But if you don't like, we'll support you.' Kahit ano namang desisyon niya, susuportahan namin siya, e," says Gabby Eigenmann about his sister, Andi.

Photo: Noel Orsal

Nasorpresa ang karamihan ng mga dumalo sa launch ng Biblio noong Biyernes, September 9, sa pagdating ni Andi Eigenmann.

Si Andi ay nagpunta sa The Establishment bar sa The Fort, Taguig City noong gabing yun upang suportahan ang kanyang kapatid na si Gabby Eigenmann.

Si Gabby ang isa sa talents ni Perry Lansigan na tampok sa Biblio, ang coffee table book na naglalaman ng mga larawan ng lahat ng PPL contract stars.

Kontrobersiyal ngayon si Andi dahil sa pagdadalang-tao niya. At last week nga ay pinangalanan na niya sa kanyang blog kung sino ang ama ng kanyang dinadala.

Hindi man sinasadya ay natuon ang atensiyon ng media na dumalo sa event sa pagdating ni Andi. Kaya naman hindi na rin nakaiwas ang young actress na magbigay ng kahit kaunting pahayag sa mga tanong sa kanya. (CLICK HERE to read related story.)

GABBY INVITED ANDI. Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at YES! magazine kay Gabby, sinabi nitong personal niyang inimbitahan si Andi sa launch ng Biblio.

 

Kuwento niya, "Yes, I invited her. It came to a point na hindi ko ine-expect na she would make it.

"Pero I was constantly texting her and she said she's on her way na.

"In-anticipate ko naman na masa-shock siya. Kasi when I texted her, when I invited her, she said, 'Is it televised?'

"And then I said, 'No, it's just covered by some press people, mostly editors. But not to worry.

"'If you don't want to say anything, it's okay, I'll be there. I'll answer all their questions if they're willing to ask me.

"'Kung ayaw mo mang sumagot, okay lang. Ako na ang bahala sa 'yo.'"

Ano ang reaksiyon ni Andi nang pagkaguluhan siya ng media?

"Okay naman. Na-shock nga siya. Sobra siyang na-shock. Akala nga niya wala nga lang, e...

"Siyempre, I was very apologetic... Sabi niya, 'Hindi, okay lang naman, alam ko naman na mangyayari.'