Isa sa mga bagong talent ng PPL Entertainment Inc. ay ang Kapuso actress na si LJ Reyes.
Ipinakilala si LJ during the launch of Biblio, a book featuring PPL's 14 artists nuong September 9 sa The Establishment bar at The Fort sa Taguig
Masaya raw si LJ as one of the newest talents of Perry Lansigan, ang president and CEO ng PPL Entertainment Inc.
"Nakakatuwa kasi alam mo na inaalagaan ka talaga ng management. Gumawa pa sila ng ganitong event to introduce, not only the old ones, pati ang mga bago. Na-a-appreciate ko talaga, at the same time, iba talaga ang alaga nila," aniya.
Dugtong pa niya, "Mas alaga kasi, mas hands on."
Ngayong araw naman na ito, September 11, ang alis ni LJ kasama ang anak na si Ethan Akio or "Aki" papuntang Amerika for their one-week stay with LJ's mom and sister.
"For a week lang. For the green card at si Aki kasi, citizen do'n, kailangan ko rin siyang ibalik. Every year, kailangan ko siyang ibalik. Although, puwede ko siyang ikuha ng dual citizenship. Hindi ko lang maasikaso, kasi, busy talaga."
Kung matatandaan, noong manganak si LJ, Paulo Avelino was trying na mapuntahan ang mag-ina niya, pero, hindi nga ito nakaalis at kahit ngayon, hindi pa rin daw nila ito makakasama.
Iba raw noong umuwi siya sa Pilipinas pagkapanganak niya. Two months lang ang anak niya kaya madaling alagaan. Ngayon daw ay malaki at malikot na ito.
"Naa-anticipate ko na ang pagod dahil siyempre, ako lang mag-isa, 'di ba? E, yung anak ko, napakalikot. Ang likot talaga. E, sa eroplano, baka magulat siya, wala siyang space na maglalakad.
"Pero siyempre, [kailangan din ang] bonding din with my sister at saka sa mommy ko. Two months pa lang si Aki noong umuwi ako. Ten months nilang hindi nakita — beybing-beybi pa si Aki noong huli nila itong nakita."
PAULO'S DECISION. Ine-expect na rin daw ni LJ na itatanong sa kanya ng entertainment press ay ang naging desisyon ni Paulo na lumipat ng network from GMA-7 to ABS-CBN.
Pero ayon kay LJ, it was Paulo's decision.
"Sabi ko rin naman sa kanya, 'Ikaw ang mag-decide. Ayoko na ako ang magde-decide for you. Ayokong sabihin sa 'yo ang opinyon ko.
"'Magbibigay lang ako ng pros and cons para mapag-isipan mong mabuti. Hindi ako magbibigay sa 'yo ng opinyon ko kung anong desisyon ang dapat gawin, kasi mai-influence ang decision mo.'"




0

