Jake Cuenca back at GMA-7 to promote a movie

Ruel J. Mendoza
Sunday, September 11, 2011 @ 10:36PM  |  18863 views

Marami ang nagsasabi na baka hanggang promo lang ang pagiging close ni Jake Cuenca (above) at Lovi Poe. Nasa cast ang dalawa ng pelikulang My Neighbor's Wife.

"Hindi naman ako gano'n. Maraming nakakakilala sa akin and hindi ako yung gimikero or ginagamit lang ang leading lady because we have this project. Kapag nakipagkaibigan ako, totoo iyon. Walang fake doon. I want to keep a good relationship with the people I work with. Kaya itong nakikita nila sa amin ni Lovi, pangmatagalan itong pagkakaibigan namin," says Jake.

 

Photo By: Noel Orsal













Muling nakatapak sa bakuran ng GMA-7 ang dating Kapuso talent na si Jake Cuenca.

Nangyari ang bihirang pagkakataong ito dahil sa promo ng pelikula niyang My Neighbor's Wife with Kapuso stars Dennis Trillo, Carla Abellana at Lovi Poe.

Nagpapasalamat si Jake na pinayagan siya ng executives ng ABS-CBN na makapag-promote sa dati niyang tahanan.

Kung matatandaan, nagsimula si Jake sa bakuran ng GMA-7 via the teen-oriented show na Click noong 2004. Nasundan ito ng ibang shows tulad ng Love To Love, Hanggang Kailan, Forever In My Heart, Encantadia, at Majika bago siya lumipat sa Kapamilya network noong 2006.

"Natutuwa naman ako at nakatapak ulit ako sa GMA-7. Alam naman ng marami na original home ko ang Kapuso network at natutuwa akong makita ang ibang mga nakatrabaho ko noon.

"I'm also happy na pinayagan nga ako ng mga taga-Dos na mag-promote sa GMA-7. Sinabi ko naman kasi na magiging all-out ako sa promotion ng movie namin under Regal Entertainment dahil naging very close na ako sa mga co-stars ko na sila Dennis, Carla, at Lovi.

"Natuwa nga ako at binigyan ako ng blessing ng ABS-CBN to do this promo. Kaya tinupad ko lang yung promise ko sa mga kasama ko sa movie," ang sabi ni Jake nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) after ng guesting niya sa Showbiz Central kanina, September 11.

LOVI POE. Dahil sa pagkakapareha niya kay Lovi Poe sa My Neighbor's Wife ay biglang na-link sila romantically. Bukod kasi sa pagkakaroon nila ng isang sexy love scene sa pelikula, naging date pa ni Jake si Lovi sa nakaraang Star Magic Ball.

Nangiti lang si Jake sa tanong kung nililigawan ba niya si Lovi dahil base sa mga kinikilos nila ay parang meron na silang pagkakaunawaan.

"Hindi naman, kayo talaga. Nakita n'yo na lang na okey kami ni Lovi, hindi naman ibig sabihin na nanliligaw na ako," sagot ni Jake sabay ngiti.

"Like what I said, naging very close kaming lahat sa shooting ng movie. Particularly si Lovi, kasi hindi ko lang naman dito sa movie na nakatrabaho. We did a Bench Body campaign before at doon pa lang ay nagkakilala na kami and we've been good friends na.

"I asked her to be my date sa Star Magic Ball. Wala namang sigurong masama doon because it's an event na you can bring anybody as your date.

"When Lovi said yes, siyempre masaya ako because first time siyang makaka-attend ng yearly Star Magic Ball. I want her to meet some of my friends din. It was a great night for both of us. We both had fun and yun naman ang importante."

Marami ang nagsasabi na baka hanggang promo lang ang pagiging close nila ni Lovi. Kapag pinalabas na ang movie ay baka hindi na sila makitang magkasama na.

"Hindi naman ako gano'n. Maraming nakakakilala sa akin and hindi ako yung gimikero or ginagamit lang ang leading lady because we have this project.

1  2  Next »

Related Articles

16 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name