PART 1. Matteo Guidicelli still with Maja Salvador; says brawl with Coco Martin made them "stronger"

Rose Garcia
Monday, September 12, 2011 @ 10:46AM  |  105540 views

 

"You know, there were lots of ups and down. A lot of people don't like me to be with her. Pero alam mo, sinasabi ko sa kanya, 'You know, kung mahal mo ako, mahal kita, gagawan natin ng paraan,'" says Matteo Guidicelli about his relationship with girlfriend Maja Salvador.

 

Photo By: Wilson Chua













Sa taped interview ni Matteo Guidicelli sa The Buzz kahapon, September 11, ay muli niyang hinarap ang ilang mga katanungan kaugnay nangyaring engkuwento sa pagitan nila ni Coco Martin sa Star Magic Ball noong madaling-araw ng September 4, Linggo. (CLICK HERE to read related story.)

Dito rin sa interview sa kanya ni Boy Abunda isiniwalat ni Matteo ang kanyang relasyon sa young actress na si Maja Salvador, na sinasabing dahilan ng naging away nila ni Coco.

Nauna nang humingi ng paumanhin si Matteo sa noontime show na Happy Yipee Yehey! noong September 5. (CLICK HERE to read related story.)

Pero kahapon, matapang na hinarap ni Matteo ang mga katanungang naglalaro sa isipan ng karamihan.

Ipinaalala ni Boy kay Matteo ang naging interview niya kay Maja Salvador sa The Buzz noong nakaraang Linggo, September 4. Nang tanungin niya ang young actress kung may relasyon sila ni Matteo, sumagot si Maja ng: "Opo, pero pagkatapos ng nangyari, hindi ko na alam." (CLICK HERE to read related story.)

Kaya ang unang kinumusta ni Boy kay Matteo ay kung silang dalawa pa ba ni Maja pagkatapos ng nangyaring insidente last week.

"Opo, kami pa po, Tito Boy. We're doing good.

"Palagay ko po, itong event na ito, what happened made us stronger," nakangiting sagot ng car racer turned actor.

Mahal ba niya si Maja?

"Siyempre po," mabilis niyang tugon.

Pero, gaano niya ito kamahal?

"Sobra-sobra po."

A LOVE STORY. Dahil last week lang nga umamin si Maja sa tunay na estado ng kanilang relasyon, tinanong ni Boy si Matteo kung paano sila nagsimula, nagkaligawan.

"Dati pa po, noong magsimula ako sa showbiz, she's one of my showbiz crushes," pag-amin ni Matteo.

What does he like about Maja?

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

52 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name