Sa pagpapatuloy ng panayam ni Boy Abunda kay Matteo Guidicelli sa The Buzz kahapon, September 11, tinanong ang aktor kung wala ba silang naging "major, major fight" ng girlfriend niyang si Maja Salvador.
"Noong nag-teleserye na siya, yung with Coco [Martin]," pag-amin ni Matteo, na ang tinutukoy ang teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin, kung saan naging magkapareha sina Maja at Coco.
Sabi pa niya, "Yun ang simula do'n, yun ang major, major fight namin.
"Yung tinext ko na siya. Tinext ko si Coco about sa mall show nila."
Ang "stolen kiss" ni Coco kay Maja ang tinutukoy rito ni Matteo.
"Parang nailang ako. Hala...then, second, then third.
"After the third, I texted him [Coco]."
Nagpaliwanag naman si Matteo kung bakit siya nag-text kay Coco.
"Alam mo, Tito Boy, this is my first showbiz relationship. And, hindi talaga ako sanay. I wasn't used to what will gonna happen.
"I thought about him, my emotion took over. And naunahan ako sa emotion ko."
So, seloso siyang talaga?
"Opo," pag-amin naman ni Matteo.
What about Maja?
"Opo," sagot din niya.
STOLEN KISS. Muling tinanong at pinalinaw ni Boy kay Matteo ang nangyari sa mall show.





0

