Dagsa ang tao kagabi, Sunday, September 11, sa Cinema 4 ng SM Megamall kung saan ginanap ang red-carpet premiere para sa pelikulang My Neighbor's Wife, written and directed by Jun Lana for Regal Films.
Nangiti ang isa sa mga bida ng pelikula na si Dennis Trillo nang mabiro ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na "basta sinabing Dennis Trillo, ang acting ay siguradong may brillo."
Ini-expect kasi na he will deliver another brilliant performance sa bagong pelikula niya with Lovi Poe, Carla Abellana, and Jake Cuenca.
"Wow! Totoo ba 'yon?" bulalas niya.
"Well, salamat na lang kung gano'n ang pagkaka-interpret nila sa trabahong ibinibigay ko at ipinapakita sa kanila.
"Pero wala, trabaho lang 'yon. Siguro ano lang, pinagbubuti lang ang trabaho.
"Mabigat ang role ko rito."
Ginagampanan ni Dennis sa My Neighbor's Wife ang asawang napendeho ni Lovi Poe nang makipag-one night stand ang huli sa best friend niya, portrayed by Jake Cuenca, na sa istorya ay asawa naman ni Carla Abellana.
Sabi pa ng Kapuso actor, "Ito rin ang pinaka-sensual na role na nagampanan ko. Bukod sa isa itong mature na role.
"First sa akin 'yon. Sobrang sexy no'ng buong pelikula kaya... first talaga sa akin.
"First mature role sa isang sexy-romance-drama, so gano'n siya kabigat.
"Maraming mga love scenes. Maraming kissing scenes.
"Meron ding mga topless na eksena. Mga nakahubad... gano'n.
"Kasi 'yong tema ng pelikula, sexy talaga, so... kailangan talagang may mga eksenang gano'n.
"Challenging talaga siya kasi kagaya ng sinabi ko, maraming firsts sa pelikulang ito, e.




0

