Aga Muhlach on allowing daughter Atasha to appear in the stage musical  The Sound of Music: "Hindi, isa lang yun. Isa lang yun! Because you know, there's one weekend that we'll all gonna go to Batangas. Sa Mataas Na Kahoy kami [pupunta]. 'Let's go! We'll gonna leave ng seven in the morning ng Saturday. Then, my daughter came to me and said, 'Dad, I cannot go. Why?! I have rehearsal at one.' Parang medyo nabigla ako do'n. Parang, okay. Parang dalawang oras akong natunganga na hindi ako nakalabas ng bahay. Tapos sabi ko, 'That's it. That's it. Yun na yun. No more. One lang 'yan.'

Photo: Noel Orsal

A dream show. That's how one can best describe Aga Muhlach's new show on TV5, Pinoy Explorer.

His first show as a certified Kapatid will pilot on September 18, Sunday, 6:30 p.m. after Pidol Wonderland.  

For two weeks, Aga literally traveled more than half the world for Pinoy Explorer.

Kasama ni Aga sa pagtuklas ng maraming bagay sa mundo ng dinosaurs, glaciers, red fallen wood, at ilan pang kamangha-manghang bagay sa ating mundo ang TV5 executive na si Perci Intalan, some staff of the show, and its director, Rowell Santiago.

Sa ginanap na press conference last night, September 12, at SM Mall of Asia (MOA) Nido Discovery Science Center, Aga expressed his gratefulness to TV5.

Labis na na-enjoy ng aktor ang paglalakbay sa iba't ibang lugar.

Ayon sa kanya, gusto raw niyang balikan ang mga nasabing lugar together with his wife Charlene Gonzalez and kids Atasha and Andres.

Ilan sa mga lugar na pinuntahan ni Aga ay ang San Francisco, Wyoming, Alaska, Montana, and other places na ayon sa description nila ay "middle of nowhere."

Kuwento niya, "Itong biyahe kong ito was a lot different.

"Ang ginagawa kong programa, parang ako lang ang nandoon. Hindi siya gagalaw kung wala ako.

"Meaning, kung hindi ako magigising. Kung hindi ako darating. Kung mag-aalburuto ako, walang programang tatakbo talaga. 

"But then, sa awa ng Diyos, it's magical. Masaya. Masaya ang nangyari.

"And as a matter of fact, even up to now, yung hangover of our trips, hindi mawala-wala sa akin at ayokong tanggalin. 

"As a matter of fact, dala-dala ko pa siya hanggang ngayon. 

"Ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong show na gusto mong ipagmalaki talaga.