news

Willie Revillame asks court to dismiss ABS-CBN counterclaim against him

by Jocelyn Jimenez posted on September 13, 2011  STATS: 12553 Views | 24 Comments

 

As the Court of Appeals dismissed the copyright infringement case against Willie Revillame, the TV host through his counsel pleads that, "the pending motions of defendant ABS-CBN emanating from its counterclaims should be denied outright by the honorable court."

Photo By: Noel Orsal

Hiniling ng TV host na si Willie Revillame sa Quezon City Regional Trial Court Branch 217 na ibasura na ang counterclaim na inihain ng dati niyang network na ABS-CBN laban sa kanya.

Ito ay kaugnay ng kanyang hindi tinapos na kontrata sa kanila noong nakaraang taon.

Ayon sa artikulong lumabas sa isang national daily ngayong araw, September 13, ang hiling daw na ito ni Willie ay binase niya sa inilabas na desisyon ng Court of Appeals kamakailan lang.

Dito'y sinabi ng Court of Appeals na iisantabi na ang kasong copyright infringement laban sa TV host sa Makati City Regional Trial Court Branch 66.

Noon daw September 7, Miyerkules, pumunta ang legal counsel ni Willie na sina Lemuel Santos at Dennis Espejo, sa opisina ni Judge Santiago Arenas sa Quezon City Regional Trial Court Branch 217.

Sa kanilang pahayag, sinabi nilang nasa desisyon daw ng Court of Appeals na nilabag ng ABS-CBN ang rule sa "forum shopping."

Ayon sa kanilang pahayag, "With the finding of the Court of Appeals, that herein defendant ABS-CBN violates the rules on non-forum shopping, its counterclaims against plaintiff Revillame in the instant case can be dismissed already with prejudice."

Dagdag pa nila, "As such, the pending motions of defendant ABS-CBN emanating from its counterclaims should be denied outright by the honorable court."

"NO GROUND TO PROCEED." Matatandaan na noong nakaraang taon ay nagsampa ng kasong copyright infringement ang ABS-CBN laban kay Willie.

Ito'y dahil daw ginaya ng bagong show ni Willie sa TV5 na Willing Willie ang format ng dating show nito sa Kapamilya network na Wowowee. (CLICK HERE for related article.)

Pero paniniwala naman ni Willie, wala nang dahilan para ipagpatuloy pa ang hearing sa mga naturang kaso dahil tapos na ang kanyang kontrata sa ABS-CBN noong Agosto ng nakaraang taon.

Aniya, "There is no more ground to proceed with the hearing for the issuance of a preliminary injuction."

Kaugnay pa nito, sinabi rin ng counsel niya na ibinasura ng Court of Appeals ang desisyon noon ni Judge Joselito Villarosa ng Makati City Regional Trial Court Branch 66, na ipahinto ang pag-ere ng Willing Willie.

Ang ibig sabihin daw nito'y napawalang-bisa na rin ang copyright infringement case laban kay Willie.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

24 Comments

  • 24  kilabotako

    09/16/2011 | 05:18 PM
    lets all moving on naman,,tutal wala na si wilie,,lagapak na sya,,,its really karma,,wala na!!mag focus ka nalang sa family,mga anak mo,,willie,,tama ng pashowbiz ek ek mo,jan,,hidni na nakakatulong sa sarilit sa life mo,,baka ikamatay mo payan..wahahha.this tym,,its all about U AND GOD,,read the bible iho,,at maging totoo kana,sa sarili mo at sa tao,,kala mo naman nauuto mo lahat,,ewwwww,,ngayon,san kana,,GOD IS SUPREME,,thats all,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  indiahenretta

    09/14/2011 | 03:13 PM
    No way! I hope NOT! I wish NEVER!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  usbfre07

    09/14/2011 | 12:51 PM
    sabi ni Willie at Tv5, wag nalang daw ibalik ng ABS ang bond money na 102 million kasi para naman kahit papano makatulong sila pang pasweldo sa kanilang mga artista...heheh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  KenManXIV

    09/14/2011 | 11:17 AM
    okay lang sana na tumulong si Willie pero wag naman sanang gamitin para tumaas ang ratings ng show
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  KenManXIV

    09/14/2011 | 11:15 AM
    pano mananalo ABS-CBN pati mga judges nanonood ng Wil Time Bigtime syempre ayaw nila mawala yun kasi yun ang pinapanood nila , sagana naman sa publicity si Willie tulad nalang nung 1st day ng Manny Many Prizes dun sa mga batang basurero halatang publicity para sumikat ang show gumawa pa sila ng jackpot round na "PERA o BASURA" obvious naman na PERA laman nun may patanong tanong pa sila na "PERA o BASURA" , hindi naman masama tumulong pero wag naman sanang gawing publicity para tumaas ratings ng show
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  kaepalmilya

    09/14/2011 | 10:46 AM
    17 ok pinatunayan mo nanaman ang pagiging inutil mo sabi ko diba parang wala? sinabi ko bang wala? enggot talaga ng mga kapamilya di marunng umintindi ng binabasa bwahahahahaw kalurkey
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  lukaret1

    09/14/2011 | 10:31 AM
    Ang masama sa justice sa Pilipinas nabibili. Mukhang mahusay si Vic Del Rosoariong bumili ng judge. Katulad din ng laban ng ABS sa GMA re AGB Nielsen rating. Nalakad din ang judge. Dapat ifire ng ABS ang legal team nila. Mahinang maglagay sa judge.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  sffan001

    09/14/2011 | 09:51 AM
    kaepalmilya, check mo comment ni 16. ano? ako pa inutil ngayon. magresearch at mag observe muna bago magcomment.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  akosigotti

    09/14/2011 | 08:45 AM
    Kaepal - August 26, 2011 - The court of Appeals had dismissed P100M civil suit filed by TV station GMA network Inc., againts its rival ABS-CBN broadcasting network... ito ay tungkol sa paggamit ng GMA sa footage nang ABS nung dumating si Angelo Dela Cruz...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  jjjjjjjjjj

    09/14/2011 | 08:40 AM
    LILIPAT daw si mega sa tv5 at doon siya mag celebrate ng kanyang bday next year...sana isama nya si kc. siguro lilipat din si gary kasi pangilinan rin naman ang kanyang asawa..sana ma ressurect ang karier nyo doon which I doubt.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  kaepalmilya

    09/14/2011 | 07:36 AM
    9 sabi ko parang wala meaning hindi ako sure napaka inutil mo naman simpleng words lang di mo maintindihan. bakit sinabi ko bang wala? jay sonza kelan ba yan?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  xxxjmb

    09/14/2011 | 05:27 AM
    Sympre matatalo cla talaga hindi cla nagbibigay ng milyones sa mga judges eh..haha..mga corrupt nmn mga judges..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  karr

    09/14/2011 | 05:08 AM
    Mukhang makakapuntos na naman si Willie Boy. Kahit anong put down bumabangon at umaarangkada. Karma is a biitch nga talaga hehehe.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  quietrose

    09/14/2011 | 12:41 AM
    magpa hinga ka na man walang idudulot na maganda yan subukan mo kayang dumaan sa baclaran sa wednesday !!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  sffan001

    09/14/2011 | 12:09 AM
    minsan napapanood ko ung show ni willie sa tv5, pansin ko lang pagnaghohost sya parang pagod na pagod na. grabe nakakaawa. parang pinipilit na lang nya talaga sarili nya e dahil nagkasubuan na sa kontrata. i think dapat tumigil na rin si willie sa paghohost. baka yun pa ikamatay nya e - pagod. abs, wag nyo na pag aksayahan ng panahon si willie sa mga kaso. wala na rin magagawa e. mahina argumento ng lawyers nyo. try to develop new stars na lang or tap the potentials of older actors na may charisma sa tao. naiinis man kami lahat kay willie, e panalo sya sa mga kaso. wala tayong magagawa. palakasin nyo na lang lineup nyo especially sa daytime at noontime para makahatak pa ng madaming viewers
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sffan001

    09/14/2011 | 12:02 AM
    kaepalmilya, nanalo ang abs cbn vs jay sonza before. iresearch mo. pwede bago magcomment magresearch? puro paninira lang ginagawa mo na walang basis. kung maninira ka rin lang, set your facts straight. palibhasa, maka gma-7 ka e. ang kaso ng gma7 vs mo twister intayin mo din ang outcome saka ka magcomment sa paborito mong istasyon
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Nurse26

    09/13/2011 | 11:43 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kaepalmilya

    09/13/2011 | 11:32 PM
    parang wala pang kasong pinapanalo tong abs cbn. pati sa mga kaso against sa mga employees nila talo din sila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Americangirl

    09/13/2011 | 11:05 PM
    The truth is that mamatay nalang si Willie, ABS CBN will still be there. At the end of the day, showbusiness is still a business and nobody is really indespensible. Patuloy na namayagpag ang ABS CBN at continues to earn billions every year. The sad thing about Willie is that people have zero sympathy for him because he is a cruel obnoxious pathetic evil bastarrrd.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Darlings

    09/13/2011 | 10:56 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About