Marian Rivera has very good relationship with Dingdong Dantes's manager and vice versa

Rose Garcia
Tuesday, September 13, 2011 @ 07:45PM  |  21204 views

"Kasi, yung pagma-manage nila, hindi basta mina-manage ka, may kasamang love. Ganoon sila, e. Si Perry kay Dong at si Popoy sa akin. Kahit naman si Popoy kay Dong, at si Perry sa akin, nakikita naman namin yun," says Marian Rivera about the relationship between her manager Popoy Caritativo, and Dingdong Dantes's manager Perry Lansigan.

Photo By: Noel Orsal













Dumalo si Marian Rivera sa launching ng Biblio noong September 9 sa The Establishment Bar sa The Fort, Taguig City.

Ang Biblio ay ang coffee table book na naglalaman ng mga larawan ng lahat ng talents ng PPL Entertainment, Inc., kabilang na ang boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes.

Kapansin-pansin na kahit magkaiba ng managers sina Marian at Dingdong, maayos ang pagkakasundo ng mga ito. Ang manager ni Dingdong ay ang PPL head na si Perry Lansigan, at ang manager naman ni Marian ay si Popoy Caritativo.

Ayon kay Marian, "Iba kasi silang mag-manage sa amin.

Sa halos lahat din ng endeavors ni Dingdong, at kahit sa events ng PPL, ay makikita palagi ang suporta ni Marian.

"Oo naman," sambit ng aktres nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

"Kasi, lahat ng ito, ipinapaliwanag niya sa akin, ine-explain niya sa akin.

"Kahit noong una pa lang na hindi pa nagagawa yung Yes Pinoy [Foundation], ine-explain niyang lahat sa akin na, 'Eto ang magiging kakalabasan. Kailangan ko ng ganito para magpagawa ng ganito.'

"So, palagi kaming may moment na ganoon."

Dagdag pa niya, "At the same time, si Dong din naman, kapag may event si Popoy, nandoon din siya para sa amin.

"So, ganoon lang din kami ni Popoy para kay Perry."

Natatawang sumagot naman si Marian nang tanungin kung may lovers' quarrel o LQ sila ni Dingdong noong gabing 'yon.

Aniya, "Wala! Arte-arte lang. 

"Alam n'yo naman sa relationship, kailangan ng ganoon, e. 'Sa'n ka na? Tagal mo, Dad!' Ganoon lang."  

NEXT PROJECTS. Sa ngayon ay magkahiwalay ang mga proyektong ginagawa nina Marian at Dingdong.

1  2  3  Next »

Related Articles

83 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name