Kris Bernal vehemently denies rumor that she is pregnant

Rommel Gonzales
Wednesday, September 14, 2011 @ 12:40PM  |  105 views

 

"Ngayon, makikita naman nila na kumpara nung una talaga, nag-improve na po talaga ako sa pagsasayaw ko. And kahit iniiyakan ko yung mga training namin, kasi nag-aaral kami ng iba't ibang mga splitting, ng mga iba't ibang mga tumbling. So, minsan, ang dami ko nang pasa sa katawan, ganyan, pinaghihirapan talaga namin. So, iyon, sana dumating ang araw na ma-appreciate nila," says Kris Bernal about the criticisms she gets for being the lead star of the primetime series Time of My Life.

Photo By: Noel Orsal













Hindi pa man nag-uumpisa ang live interview ni Pia Guanio kay Kris Bernal sa Showbiz Central noong Linggo, September 11, ay naluluha na ang bida ng primetime series na Time of My Life.

Nandoon si Kris para linawin ang kumakalat na balitang buntis diumano siya.

Kaya tinanong ni Pia si Kris kung bakit siya naiiyak.

"Hindi, kasi hindi naman totoo," sambit ni Kris.

"Ayoko lang ho talaga yung ganun, yung wala namang katotohanan, tapos hindi ko alam kung saan nakukuha, kumbaga."

May mga kumakalat daw kasing obserbasyon ng mga katrabaho niya na mga senyales na nakikita kapag ang isang babae ay buntis, tulad ng madalas na pagkahilo ni Kris.

"Hindi po!" bulalas ng young actress.

"Siguro, maaalala ko po, nahilo po ako isang beses, pero dahil po nagsunud-sunod po yung taping namin.

"Tapos, yun nga, puro sayaw po, siyempre mahirap din po.

"Rehearse ako nang rehearse, tapos magte-training pa po ako sa pagsasayaw.

"So, may time lang na parang nahilo ako, pero hindi dahil... wala pong senyales talaga na ganun po, na buntis ako.

"Wala po, wala po talaga," mariin niyang tanggi.

Ang pagkahilo raw niya ay bunga lamang ng pagod.

"Talagang pagod na pagod lang po talaga," sabi niya.

Pero totoo bang nagsusuka rin daw siya?

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

29 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name