Mike Tan on finally getting a lead role in his new soap: "Na, 'eto na pala talaga. Na magsisimula na ako. Na leading man na pala [ako]. Tapos yun, kinabukasan, habang nagdarasal, hindi ko napigilan. Bigla akong umiyak."

Photo: Noel Orsal

Finally, ang Ultimate Male Survivor ng StarStruck Batch 2 na si Mike Tan ay nabigyan na rin ng GMA-7 ng maituturing na biggest break niya.

Ito ay ang pinakabagong afternoon series ng Kapuso network, ang Kung Aagawin Mo Ang Langit, na magsisimula nang mapanood sa Lunes,  September 19.

Marami nga ang natuwa para kay Mike. 

Sa kanyang looks at height pa lamang ay noon pa raw sana siya nabigyan ng chance at na-groom bilang isa sa mga leading men ng network.

Hindi naman ikinaila ni Mike na naghintay rin siya. At ngayon nga, masasabing nabiyayaan na rin siya ng matagal na ring inaasam na break sa kanyang career. 

Ang character ni Mike sa Kung Aagawin Mo Ang Langit ang pag-aagawan ng papel ng dalawang Kapuso actresses na sina Carla Abellana at Michelle Madrigal.

Puwedeng sabihin na nasa kanya ang challenge at pressure ngayon dahil siya ang male lead sa kanilang drama series.

Ayon kay Mike, "Kung alam n'yo lang po kung gaano ako nahihirapan sa pag-arte, [at] paggawa. 

"Sobrang natsa-challenge ako sa sarili.

"Gusto ko palaging nakakausap si Direk Jay [Altarejos] dahil siya ang nakakaalam kung paano ko made-deliver [nang maayos ang role ko].

"Kasi, itong role na 'to, itong character na ito, never ko pa siyang nagawa.

"At itong character na ito, hindi ako 'to. Kabaligtaran ko talaga. 

"Si Jonas [his character] kasi, playboy siya. Pero noong magkaroon siya ng asawa, ipinangako niya sa asawa niya na kahit kailan, hindi niya ito paiiyakin.

"E, nagkataon na yung dating naka-one-night stand niya, naghahabol pa rin sa kanya.