Nabawi na pansamantala ni Paolo Ballesteros at ng kanyang ex-girlfriend na si Katrina "Kaye" Nevada ang kanilang anak mula sa lola nito.
Noong September 5, Lunes, sinundan ng Showbiz Central ang nakatakdang paghaharap nina Paolo at Kaye at ng ina ng huli sa Regional Trial Court Branch 4 ng Baguio City Hall of Justice.
Bunsod ito ng inihain nina Paolo at Kaye na petisyon para maipakita na ang ipinagkakait sa kanilang anak simula pa noong buwan ng Hunyo ng taong kasalukuyan. (CLICK HERE to read related story.)
Kuwento ni Paolo, "We're trying to get our daughter back, kami ni Kaye, hindi yata payag yung lola.
"So, ilang attempts na kaming pumunta sa bahay nila, tapos parang itinatago nila, ganun.
"So ito, yung pinayl namin is habeas corpus, kailangan parang ilabas nila yung anak namin.
"I hope dumating sila. Dapat silang dalawa, dapat kasama yung anak namin."
Bandang alas-dos ng hapon, kasama nina Paolo at Kaye ang kanilang abugado at ilang kamag-anak, umaasang magpapakita na nga ang lola kasama ang kanilang anak.
Ilang sandali lang, dumating na sa korte ang ina ng ex-girlfriend ni Paolo at ang kanilang anak matapos ang ilang buwang paghahanap dito.
Kuhang-kuha ng kamera ng Showbiz Central nang masulyapan na nina Paolo at Kaye ang kanilang anak.
Kuwento ni Kaye, "Nung makita ko si Keira, siyempre very happy, at the same time ano yun, tears of joy."
Habang nagaganap ang hearing, tila hindi nagpapansinan ang magkabilang kampo.
Ang bata ay nasa kabilang dulo mula sa kanyang mga magulang, pero ilang sandali, ang bata na mismo ang lumapit kina Paolo at Kaye.
Naging emosyunal ang muling pagsasama ng mag-anak.
Kuwento ni Kaye, "Gumagapang siya papunta sa amin, 'Mommy, daddy...' sabi niya.




0

