Nikki Gil on having a joint bank account with boyfriend Billy Crawford: "Nag-iipon na talaga ako for myself. Siya naman, nag-iipon na rin siya. Ini-invest niya ang earnings niya sa properties. Hindi naman panghabang-buhay ang showb business. Joint account? Wala. Kaloka 'yang joint account na 'yan! Wala, malayung-malayo. Joint hearts lang kami."

Photo: Allan Sancon

"Boring" ang description ng iba sa relasyon nina Nikki Gil at Billy Crawford, kung ang pagbabasehan daw ay ang mga intriga at issues  na naipukol sa relasyon ng dalawa.  

Kung ang iba kasing relationship ay palaging pinag-uusapan at nasasangkot sa iba't ibang mga intriga, kabaligtaran naman ito ng relasyong Nikki at Billy.

Tahimik ang dalawa, at kung may lumabas mang issue ay agad namang nabibigyang-linaw.

When PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Nikki recently, kinuha namin ang kanyang saloobin sa impresyong "boring" ang relasyon nila ni Billy.

"Ang kuwento niya [Billy] sa akin, may nag-comment daw na parang, 'Ang boring ng relationship ninyo.'

"Alam mo naman ang lolo mo [Billy], very emotional lalo na pagdating sa amin.  

"Pero, sa ibang banda, naisip naman niya, 'E, ano nga naman kung boring kami?'

"Siguro, ang sinasabi niya, sa tingin ng ibang tao, very boring kami kasi kailan nga ba naman kami huling napag-usapan? Bukod sa wala naman talaga kaming malaking problema.

"Kapag may minor tampuhan, hindi namin nilalabas. Hindi na namin pinapalaki, kasi kami lang naman ang nasa relationship. Hindi ibang tao.

"Sa paningin ng tao, in terms of the showbiz standard of what an interesting relationship might be like...

"But, yun na nga, mas gusto ko naman na boring, pero alam mong sa altar ang patutunguhan namin.

"Kaysa naman sa maingay kami, pero after ilang buwan, maghihiwalay na rin kami.  

"Save yourself the heartaches. Puso mo 'yan, kailangang pangalagaan mo," saad niya.

JOINT BANK ACCOUNT? Since nabanggit niya ang salitang "altar," mukhang sa kasalan na nga raw talaga mauuwi ang relasyong Nikki-Billy.

Inamin sa amin ng TV host/actress na nag-iipon na sila, pero hindi raw ito joint account na maaaring isipin ng iba.