Nikki Gil on having a joint bank account with boyfriend Billy Crawford: "Nag-iipon na talaga ako for myself. Siya naman, nag-iipon na rin siya. Ini-invest niya ang earnings niya sa properties. Hindi naman panghabang-buhay ang showb business. Joint account? Wala. Kaloka 'yang joint account na 'yan! Wala, malayung-malayo. Joint hearts lang kami."

Photo: Allan Sancon

"Kung siya [ay] may anak na babae, gusto ba niya na may ka-date yung anak niya na ganung klase ng tao?  

"So, nakita niya yun. Naabutan ko siya na hindi na siya ganun.  

"Nakita ko, nag-mature na siya. Hindi ko na na-experience yun."

For Nikki, past is past at hindi niya ito tine-take against her boyfriend.

"You can't. You shouldn't," sabi ng singer-actress.

"Marami tayong puwedeng baguhin, pero kung may isang bagay na di natin puwedeng baguhin is yung nakaraan.

"So, para isumbat mo yun sa tao habambuhay, kung ano... Panginoon nga nagpapatawad, sino ba tayo para hindi magpatawad?"

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP. Bago pa man magsimula ang kasalukuyang taon ay nabanggit na babalik sa United Kingdom si Billy para ayusin muli ang kanyang international career.  

Kung dati ay wala pang detalye, mismong si Nikki ang nagsabi sa amin na tuloy na tuloy na ito at may mga detalye na sa pag-alis ng boyfriend.  

It's gonna be a long-distance relationshjp for Nikki and Billy this time.

"Eto nga nga tayo, as the days go by, yung mga planu-plano na 'yan, nagiging mas concrete.

"Nagkakaroon na ng mga sulatan. Tawag, nagkakaroon na ng mga petsa.  

"The reality of taking care of a long-distance relationship, medyo nag-uumpisa na siyang mag-sink in.  

"Nandun na yung usapan naming, 'Paano na 'yan? Apat na buwan, limang buwan, anim na buwan.'

"Saka, hindi lang yung 'what if', heto na. Mayroon nang mga petsa. 'O, ganito ako mawawala.'"