Rochelle Pangilinan defends Amaya co-star Marian Rivera: "Wala naman akong nakikitang negative sa kanya."

Rose Garcia
Thursday, September 15, 2011 @ 09:26AM  |  49929 views

 

"Actually, nagtataka nga ako kung bakit hanggang ngayon, naiintriga pa siya. Kung tutuusin, hindi lang naman ito ang unang beses naming magkasama. Yung Show Me Da Manny, isang taon mahigit din yun. Tapos, itong Amaya.... Actually, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon [naiintriga siya]. Kasi, wala naman akong nakikitang negative sa kanya," says Rochelle Pangilinan when asked about Amaya co-star Marian Rivera.

 

Photo By: Noel Orsal













Isa sa napapansin at napupuri sa kanyang pagganap sa epicserye ng GMA-7 na Amaya ay si Rochelle Pangilinan, who plays the role of Marikit.

Marami ang nangyayari sa character niya sa ilang buwan pa lamang na pag-ere ng Amaya. Ngayon naman, dahil sa mga insidente sa kanyang buhay, naging baliw naman ang kanyang character.

Natatawang hirit nga niya nang kumustahin namin si "Marikit" sa nakaraang Biblio launch at second year anniversary ng PPL Entertainment, Inc, sa Establishment, The Fort, "Hayun, luka-luka pa rin.

"Pero nag-e-enjoy ako sa role kasi, nalalaru-laro ko siya."

Inamin ni Rochelle na nang malaman niyang magiging baliw siya sa serye, kaba muna ang naramdaman niya.

"Una, kinabahan ako. Kasi, parang, 'Ano 'to? Sinaunang luka-luka?' 

"So, paano mangyayari yun?' Tapos, prinsesa ako na naging luka-luka. 

"So, 'Ano 'to?' Sabi kong ganoon. Hindi ko siya matanggap sa una. Parang, 'Paano 'to? Paano ko 'to gagawin?'

"Hindi ko alam kung paano siya titirahin kumbaga.

"Pero, nagtanung-tanong ako kila Tita Gina Alajar, Tita Irma Adlawan.

"'Paano po 'to? Baka po puwedeng ano?' Tapos sabi nila, 'Ano lang, paglaruan mo lang siya.'

"Tapos, 'Ano ka, itodo mo. Pumunta ka sa edge. Hanggang doon.

"'Huwag kang mahiya. Ilabas mo lang. Ano ba ang nakikita mo?'"

POSITIVE COMMENTS. Masaya nga raw siya dahil na rin sa mga nakakarating na comments sa kanya.

"Sabi kanina ni Tita Wilma [Galvante, GMA-7's SVP for Entertainment TV] kaya ang saya-saya ko ngayong araw, sabi niya, 'Ang galing-galing mo sa Amaya.'

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

123 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name