Mas masaya raw ngayon ang R&B singer na si Kris Lawrence sa kanyang career dahil marami siyang pinagkakaabalahan.
Una na rito ang pagpasok ng isang endorsement sa kanya—ang direct-selling company na Marikina Shoe Exchange (MSE), kasama ang iba pa niyang mga kapatid sa management company ni Arnold Vegafria na sina Carla Abellana, Iya Villania, John Prats, at Billy Crawford.
Katatapos lang din ni Kris ng kanyang unang musical play na Sweet Charity kunsaan nakapareha niya si Nikki Gil.
Nasimulan na rin niya ang kanyang ikatlong album.
Regular pa rin siya sa Sunday musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas.
Umaasa si Kris na mabigyan siya ng tuluy-tuloy na tsansang pasukin ang acting ngayong natikman na niya ang pag-arte sa teatro at ilang guest appearances sa mga teleserye.
"That's the plan," sambit ni Kris sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.
Sabi pa niya, "That's why I wanted to do the theater, para training."
SINGING CAREER. May limang taon na rin si Kris sa showbiz mula nang manalo siya sa second season ng singing search ng ABS-CBN na Search For The Star In A Million noong 2006. Aminado naman siyang nabagalan siya noon sa takbo ng kanyang singing career.
"I was, yes. Totoo po," sabi niya.
"Because I was...wala lang. I just felt like... parang... I don't know... Ang bagal nga.
"Pero mabagal in a sense na I'm not reaching my full potential.
"But when I stepped back, maybe it's just my own desires lang.
"Kasi okey naman yung financial ko. Okey naman yung buhay ko.
"Nakakapag-shopping naman ako if I wanna buy what I want.




0

