Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang hunky star na si Will Devaughn last Tuesday, September 13 sa presscon ng afternoon series na Kung Aagawin Mo Ang Langit.
Pangalawang project na ito ni Will for GMA-7. Ang una ay ang Dwarfina na pinagbidahan ni Heart Evangelista.
Ano ang role ni Will sa Kung Aagawin Mo Ang Langit?
"Waldy Buenafe, isang pre-school teacher, gym teacher at sculptor. So magaling siya with his hands. Artist.
"And he's very interested in Ellery Martinez. May gusto siya kay Ellery which is Carla Abellana. Good boy ako dito," umpisang pahayag ni Will.
Love triangle sila nina Mike Tan at Carla? Mag-aagawan ba sila ni Mike (as Jonas Alejandro) kay Carla?
"Oo. At ako naman yung friend lang ni Carla dito. Friend lang ang tingin niya sa akin."
Palabas na sa Lunes ang Kung Aagawin Mo Ang Langit sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7.
LEARNS COURTSHIP. Kinumusta ng PEP ang lovelife ni Will at dito namin napag-alaman na kahit naging sila noon, ngayon lang siya nanliligaw kay Wendy Valdez.
"Alam mo, sa totoo lang, courting stage! Let's just say starting over na."
Naging sila noon, although hindi matandaan ni Will ang eksaktong petsa noong naging mag-on sila ni Wendy.
"Alam mo, hindi ko alam. Hindi ako magaling sa mga dates."
Kailan sila nag-break?
"A few months ago, a few months ago."
So nililigawan niya ngayon si Wendy, na hindi raw niya niligawan noon.




0

