Nabanggit din niyang hindi siya mahilig manood ng soft-porn movies.
"A, hindi ako nanonood dahil ayokong... ang tendency mo, parang gayahin, e.
"Kunwari, may eksena akong nagawa na pala sa ibang pelikula. I can honestly say na hindi ko siya napanood.
"So, yung Burlesk Queen ni Vilma Santos. Yung mga sexy scenes nina Lorna Tolentino before sa pelikula nila, hindi ko pinanood.
"Para I can honestly say na this is an original from my own writing."
WHY MICHELLE? Simple lang ang rason ni Zoren kung bakit si Michelle ang napili niyang magbida sa kanyang pelikula.
"Feeling ko, hinog na siya. And naniniwala naman ako sa kanya at sa talent niya.
"Nakiusap nga siya kay Tita Anabelle [Rama, Michelle's manager]. Doon ko talaga nakita na gusto niyang gawin yung movie.
"Dahil si Tita Annabelle, ayaw niyang kunin ang pelikula dahil wala naman daw akong budget.
"Pero nakiusap si Michelle na gusto niyang gawin kahit libre. So, gano'n siya na-in love sa story.
"Kaya ang hirap rin umpisahan ang pelikula dahil ayokong ma-disappoint yung mga naghihintay," saad niya.
THE LEADING MAN. Ayon kay Zoren, hindi si JC ang original choice na leading man ni Michelle sa Salome.
"Originally, ako yung lalake dapat," sabi niya.
"But, alam ko naman kung saan ako lulugar as an actor and as a director.
"Nung nakita ko na hindi kami physically balanced on the screen ni Michelle, drinop-off ko yung role ko, at ibinigay ko kay JC.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
8 akoydreamer
7 kilabotako
6 jjjjjjjjjj
5 MARKY2000
4 jakar
3 rotoscaper
2 winged_angel
1 rotoscaper