"Hindi naman ako magpu-frontal nudity... Yung back ko, willing akong ipakita. Sa likuran ko, puwede. Pero yung front, parang hindi ko alam! Kasi, parang feeling ko, mas sexy yung likod. Sexy na hindi bastos, hindi mahalay," says Michelle Madrigal on how far she will go for her launching movie.

Photo: Noel Orsal

Mas nararamdaman daw ngayon ni Michelle Madrigal ang magandang takbo ng kanyang showbiz career.

Una, dahil sa pagkakaroon niya ng bagong afternoon soap sa GMA-7, ang Kung Aagawin Mo Ang Langit, na tatampukan din nina Carla Abellana at Mike Tan.

Pangalawa, sisimulan na rin niya ang shooting ng launching movie niyang Ang Huling Sayaw ni Salome, na ididirek ni Zoren Legaspi with JC de Vera as her leading man.

Parehong drama vehicle ang dalawang nabanggit na projects ni Michelle.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Michelle sa grand launch ng Kung Aagawin Mo Ang Langit noong Martes ng gabi, September 13, sa GMA Network Center, sinabi niyang "training ground" ang bago niyang programa sa TV para sa pelikulang gagawin niya.

LAUNCHING MOVIE. Nang matanong siya tungkol sa Ang Huling Sayaw ni Salome, nag-glow kaagad ang mukha ng young actress.

"Wow! Launching movie! Masaya!" bulalas ni Michelle.

Kinumpirma ni Michelle ang sinabi ni Zoren na pinakiusapan niya ang manager niyang si Annabelle Rama para gawin ang pelikula kahit mababa ang talent fee. (CLICK HERE to read related story.)

Paliwanag niya, "Maganda yung material niya, e. Maganda yung story niya rin. 

"And matagal ko na ring gustong gumawa ng indie movie. 

"Eto, buti na lang kilala ni Tita Annabelle [si Zoren]. 

"Kung hindi niya kilala, baka hindi niya ako payagan gawin yung movie. Kilala naman niya si Zoren. 

"Pinilit ko siya talaga. Sabi ko, 'Tita, gawin na natin ito.'

"And in-explain sa akin ni Zoren na maganda yung material niya. Heavy drama siya.