news

Michelle Madrigal pleads with manager Annabelle Rama to accept launching movie Ang Huling Sayaw ni Salome

by Rey Pumaloy posted on September 15, 2011  STATS: 40281 Views | 18 Comments

 

"Hindi naman ako magpu-frontal nudity... Yung back ko, willing akong ipakita. Sa likuran ko, puwede. Pero yung front, parang hindi ko alam! Kasi, parang feeling ko, mas sexy yung likod. Sexy na hindi bastos, hindi mahalay," says Michelle Madrigal on how far she will go for her launching movie.

Photo By: Noel Orsal

Mas nararamdaman daw ngayon ni Michelle Madrigal ang magandang takbo ng kanyang showbiz career.

Una, dahil sa pagkakaroon niya ng bagong afternoon soap sa GMA-7, ang Kung Aagawin Mo Ang Langit, na tatampukan din nina Carla Abellana at Mike Tan.

Pangalawa, sisimulan na rin niya ang shooting ng launching movie niyang Ang Huling Sayaw ni Salome, na ididirek ni Zoren Legaspi with JC de Vera as her leading man.

Parehong drama vehicle ang dalawang nabanggit na projects ni Michelle.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Michelle sa grand launch ng Kung Aagawin Mo Ang Langit noong Martes ng gabi, September 13, sa GMA Network Center, sinabi niyang "training ground" ang bago niyang programa sa TV para sa pelikulang gagawin niya.

LAUNCHING MOVIE. Nang matanong siya tungkol sa Ang Huling Sayaw ni Salome, nag-glow kaagad ang mukha ng young actress.

"Wow! Launching movie! Masaya!" bulalas ni Michelle.

Kinumpirma ni Michelle ang sinabi ni Zoren na pinakiusapan niya ang manager niyang si Annabelle Rama para gawin ang pelikula kahit mababa ang talent fee. (CLICK HERE to read related story.)

Paliwanag niya, "Maganda yung material niya, e. Maganda yung story niya rin. 

"And matagal ko na ring gustong gumawa ng indie movie. 

"Eto, buti na lang kilala ni Tita Annabelle [si Zoren]. 

"Kung hindi niya kilala, baka hindi niya ako payagan gawin yung movie. Kilala naman niya si Zoren. 

"Pinilit ko siya talaga. Sabi ko, 'Tita, gawin na natin ito.'

"And in-explain sa akin ni Zoren na maganda yung material niya. Heavy drama siya. 

"May love scene kami ni JC de Vera... first time yun. 'Kakaloka!"

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

18 Comments

  • 18  ike

    09/29/2011 | 06:17 PM
    ang ganda ng series...galing nila ni Carla.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  tele_tubby

    09/17/2011 | 08:49 AM
    ang ganda mo tehhh! and you've come a long way. nice skin color btw. ikaw na ang pinakamagandang morena chick sa GMA! good luck with Kung Aagawin Mo Ang Langit!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  Sapphire1293

    09/16/2011 | 09:12 AM
    ngek. bakit si JC de Vera ang leading man? parang mas bata tingnan si JC kumpara kay Michelle. sana yung mas macho and mas mature naman ang gawing leading man
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  Deane_2005

    09/16/2011 | 08:54 AM
    magaling sya umarte actually ng napanood ko sya kasama ni Richard mas gusto ko sila yung magkatuluyan sa captain Barbell kahit yung mga tita at pinsan ko ganun din ...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  manjo

    09/16/2011 | 12:38 AM
    I used to like her before, pero noong bumigay sya and get herself a sugar daddy - nawalan ako ng gana sa kanya. Oh well, I forgot, si Annabelle nga pala manager nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  DamonSalvatore143

    09/15/2011 | 11:32 PM
    Even the first time I saw her face on SCQ, I found her sexy and pretty na. Sya yung pinakamaganda sakin nung bagong labas pa lang sa TV ng batch nila sa SCQ. Kahit ang bata nya pa nun, lagi kong inisip na bagay sa kanya ang sexy roles. And I was right. Kaya lang, may pagka maldita ang batang to. Nung ininterview ang mom nya about her, sabi ny mom nya kinalbo nya daw si Michelle dahil sa sobrang rebelde, lol. Pero mukha namang nagmature na. Im pretty sure well off ang pamilya nila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  MARKY2000

    09/15/2011 | 11:07 PM
    Hahaha!Si flightforge29 ipinagmamalaki ngayon si Michelle Madrigal na product daw ng Star Magic kase may Launching movie na??Ang plastik mo talaga nyo talaga!!!Kapag walang project sasabihin kase lumipat sa GMA kaya NALAOS!!!Ewan ko sa inyo!!!Puro kayo tupperware!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  greencardholder

    09/15/2011 | 10:29 PM
    ganda ng color. pinay na pinay. perfect!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  netopia1976

    09/15/2011 | 10:13 PM
    Oh Michelle.....of course kilala ni Annabel si Zoren...itanong nyo pa kay ruffing...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • under_rated

    09/15/2011 | 07:14 PM
    wow... just love her tan color ...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ike

    09/15/2011 | 06:03 PM
    michelle is maganda na sexy pa at magaling pang umarte sana maging ok ang lahat sa launching movie niya. she deserves it...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • bigbother

    09/15/2011 | 05:32 PM
    wow. congrats michelle. and sensible answers like mike tan. i wish you guys luck.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Speed_OfLight

    09/15/2011 | 05:23 PM
    training ground pala nya. so sa tinagal mo sa starmagic, anu pinagawa sa iyo dun, taga check kung may ground ang mga kuryenteng libre ng abs-cbn mula meralco?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • tangerine_dream114

    09/15/2011 | 05:20 PM
    pretty ni michelle, pinay beauty
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • flightforge29

    09/15/2011 | 05:13 PM
    may iboboga naman itong si Michelle..magaling din syang umarte..original product kaya yan ng Star Magic...Go Chel! and congrats!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • rotoscaper

    09/15/2011 | 04:18 PM
    interesting movie..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • tili_2death

    09/15/2011 | 04:13 PM
    remake ng BONA, kaya mo yan day!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jakar

    09/15/2011 | 03:58 PM
    sana sya nlng sa ang pinakamagandang hayop bagay sa kanya...goodluck michelle!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About