[x]

 

Brothers Phil and James Younghusband with their sister Keri at the memorial mass for their mother, Mrs. Susan Placer-Younghusband, who was laid to rest earlier today, September 15, at the Heritage Park in Taguig City.

Photo: Allan Sancon

Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang mga labi ng ina ng magkapatid na Phil at James Younghusband na si Mrs. Susan Placer-Younghusband, kaninang hapon, September 15, sa Heritage Park, Taguig City.

Sumakabilang-buhay si Mrs. Younghusband noong Sabado, September 10, pagkatapos nitong atakihin sa puso. She was 49.

Bago ang interment ay nagkaroon muna ng memorial mass sa chapel ng Heritage Park na dinaluhan ng ilang mga kaibigan at kamag-anak.

Sa misa ay nagsalita sina James, Phil, at ang bunso at nag-iisa nilang kapatid na babae na si Keri.

Nagpalabas rin ng AVP presentation kunsaan ipinakita ang mga larawan ng mag-anak noong nabubuhay pa ang ina ng dalawang Azkals players.

Kabilang sa mga nakidalamhati sa magkakapatid ang ilang miyembro ng Azkals na sina Anton del Rosario, Aly Borromeo, at Misagh Bahadoran.

Naroon din ang rumored girlfriend ni Phil na si Angel Locsin, kasama ang kaibigan nitong si Bubbles Paraiso.

Kitang-kita ang pagsuporta ni Angel kay Phil sa mga oras na iyon.

Habang ibinababa ang mga labi ni Mrs. Younghusband sa huling hantungan nito ay magkahawak-kamay at nakaakbay si Angel kay Phil.

Namataan din ng PEP sa libing ang dancer na si Gab Valenciano, na kaibigan nina Phil at James.

Matapos ang libing ay sinubukan ng media na makunan ng pahayag sina Phil at James, at maging si Angel. Ngunit tumanggi ang mga ito na magpa-interview.

Bagkus, ang family friend ng Younghusbands na si Jojo Durian ang tumayong spokesperson ng magkapatid na Phil at James.

Narito ang kanyang pahayag:

"Phil and James Younghusband would like to extend their thanks to all the friends and visitors who visited them.