Pagkatapos ng pelikulang My Neighbor's Wife, kung saan napasabak si Lovi Poe sa mga mapangahas na eksena, marami ang nagtatanong sa aktres kung tuluy-tuloy na ba ang kanyang pagiging daring.
"No naman," sabi ng aktres sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
"Ako, nagkataon lang na my character here [My Neighbor's Wife], my role is mature.
"But it doesn't mean that I'll keep doing stuff like this.
"But then, I'm open to doing anything naman as long as it's an acting piece."
Cover siya ng latest FHM issue kung saan sobrang sexy rin ang pictorials niya. Aware ba siya na "desirable" ngayon ang dating niya sa mga kalalakihan?
"Talaga?" natawang reaksiyon ni Lovi. "Parang hindi ako naniniwala."
REASON OF BREAKUP? Kahit nga si Jake Cuenca na co-star niya, nababalitang nabighani rin daw sa kanya while they were doing My Neighbor's Wife, kung saan nagkaroon sila ng mainit na love scene.
Hindi tuloy maiwasan na may mag-isip na baka isa raw si Lovi sa mga posibleng naging dahilan ng breakup ng aktor at ni Melissa Ricks. Lalo pa at sinasabi nga na si Jake daw ang nakipag-break kay Melissa.
Pero ayon sa Kapuso actress, "You know, for me, labas na ako diyan. I think it's best na hindi ako manghimasok diyan.
"Because, kumbaga, respeto ko na iyon sa kanilang dalawa."
Hindi talaga siya pinormahan ni Jake? Ka-date pa nga siya nito sa nakaraang Star Magic Ball, di ba?
"You know, kami ni Jake, maganda ang pinagsamahan namin dito sa pelikula.
"And right now, let's just leave it that way."
Hindi pa siya open to entertain suitors ulit?




0

