"The Ultimate Serenader."
Ito ang bagong titulo ngayon sa OPM ballad singer na si Erik Santos, na nag-release ng kanyang co-produced album na Awit Para Sa 'Yo.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang media si Erik sa Don Henricos Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, kagabi, September 15.
Dito ay sinabi niya kung bakit siya binansagan na "Ultimate Serenader."
"Gusto lang kasi ng Star [Magic] na maging strong yung aking image as a balladeer," saad niya.
"So, since balladeer naman ako, and since puro ballad naman yung nasa album ko, so we put it in the title.
"Kumbaga, ini-input nila sa album ko yung title na 'yan."
NEW MANAGEMENT. Si Erik ay co-managed na ngayon ng talent managements na Star Magic at Corner Stone.
Ito'y matapos iwanan ng TV host at talent manager na si Boy Abunda ang Backroom, na siyang talent management noon ni Erik. (CLICK HERE for related article.)
Paano ang naging negosasyon ng Backroom at Star Magic sa kanyang paglipat?
"A, kasi there are changes sa management and there are some decisions that... that has to be made.
"Uhm, bale nagkaroon kasi ng mga pag-uusap dun... in the management and each artist.
"So, ayun, kumbaga, nasa pag-uusap po ng management at saka nung artist."
Bagamat tila biglaan ang naging desisyon ni Boy na iwanan ang Backroom, wala naman daw tampo si Erik sa kanyang dating manager.
"Tampuhan? Wala, wala naman, wala naman tampuhan," pagtanggi ni Erik.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
9 critical_critic
8 tili_2death
7 benj_aquino59
6 yaralei
5 yaralei
4 tili_2death
3 jjjjjjjjjj
2 pwedenarin
1 lhes2004