"Tulad nga ng sabi ko, kaya naging successful ang relationship namin, hindi namin binuklat. So, ngayong break na kami, hindi ibig sabihin na porke't break na kami, puwede ko nang ibuklat at idetalye sa mga tao ang rason. Sa akin lang talaga, when it comes to Mel, I pray for her. I wish her the best," says Jake Cuenca when asked for the reason of his breakup with Melissa Ricks.

Photo: Noel Orsal

First time ni Jake Cuenca na rumampa sa annual Cosmo Bachelor Bash.

Hindi kasama sa centerfolds this year si Jake, pero naglaan siya ng oras para makaparampa sa 2011 Cosmo Bachelor Bash held last night, September 15, at the World Trade Center in Pasay City.

Sa VTR pa lang ni Jake, kung saan tila nangti-tease ang actor, hiyawan na ang audience, partikular na ang mga kababaihan.

Mas lalong lumakas ang hiyawan nang lumabas na sa stage si Jake.

Pero hindi gaya ng mga nauna niyang pagrampa, tulad sa Bench underwear shows, mas tamed ang ginawa niya kagabi.

But nevertheless, nandoon pa rin ang panunukso niya sa audience.

Masaya si Jake nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng WTC right after the show.

"Masaya, masaya. Lahat kami rito. Lahat ng mga lalaki ngayon dito, masayang-masaya," simula niya.

"Nag-enjoy ako. I just had fun at the stage. Sobrang saya."

TEASE WITH EASE. Hindi na bago kay Jake ang rumampa na nakahubad or naka-trunks lang. Very evident ang confidence niya onstage. 

Sabi pa nga niya, "Oo nga, e. Kami nga ni Aljur [Abrenica], pareho pa kaming nag-decide na bumaba ng stage.

"Masaya lang. May sakit pa nga ako kaninang umaga. Nawala bigla sa sobrang tuwa."

Kung ikukumpara niya ang naging experience niya ngayon sa Cosmo Bachelor Bash sa past experiences niya sa mga event ng Bench, may pagkakaiba ba?

"Siyempre sa akin, iba pa rin ang Bench. Siyempre, mahal na mahal ko ang Bench.