Ilan sa official candidates ng Miss World Philipines—na ang grand coronation ay mapapanood sa Linggo, September 18 sa GMA-7 after Protégé—ay nagkaroon na ng experience sa ibang national beauty pageants at minsan na ring sumubok sa showbiz.
Isa rito si Nicolette Henson, who placed 1st runner-up sa Binibining Pilipinas 2010 kung saan nanalo si Venus Raj. Bukod pa rito ang ilang local beauty pageants na nasalihan na niya.
Hindi kuntento si Nicolette sa kanyang 1st runner-up place sa Binibining Pilipinas noong 2010 kaya ngayon, she's vying for the Miss World Philippines title.
Ginawa na nga raw wallpaper ni Nicolette ang picture ng crown at scepter ng Miss World Philippines sa kanyang cell phone.
"Para ma-motivate akong lalo. Super ganda niya. Super!" sabi ni Nicolette patungkol nga sa bagong crown at scepter na gagamitin ng Miss World Philippines.
TOUGH ACT TO FOLLOW. Ang totoo, "kapatid" ni Nicolette sa Mercator Model and Artist Management ni Jonas Gaffud sina Venus Raj at Shamcey Supsup, na parehong naging runners-up sa Miss Universe.
Si Venus ay 4th runner-up last year, samantalang si Shamcey naman ay naging 3rd runner-up this year.
Instead na ma-pressure, nagiging inspirasyon pa raw kay Nicolette ang pananalo ng dalawa.
Aniya, "Siyempre, inspiration, kasi pareho ko silang kaibigan.
"Para ko na rin silang mga kapatid, kapamilya talaga.
"May mga kanya-kanya kaming pangarap. Like sa kanila, natupad na nila.
"Siguro time ko na. And full support naman sila sa akin. Nag-uusap kami online, 'kumusta na.'"
HER ADVANTAGE. Puwedeng sabihin na kahit paano, natuturuan na rin siya nina Venus at Shamcey kaya masasabing mas may edge na siya sa ibang candidates.
"Oo, kahit paano, yung training pa rin namin.
"Nagki-keep in touch kami kahit nasa ibang bansa sila.
"Siyempre, pagbalik ni Shamcey, mas magkakaroon na kami ng chance," banggit ni Nicolette sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).




CALLED OUT
ALL COMMENTS
25 bey29
24 chikadora101
23 D_katie
22 gayfairy
21 bey29
20 robbiethompson
19 pilyangmaganda
18 StocksAndBonds
17 jjjjjjjjjj
16 cygnet210
15 lanalang08
14 rcd0312
13 r2kin2
12 leenavi
11 kargador
10 kargador
9 benj_aquino59
8 Space_Ace
7 greencardholder
6 bujoywu
more comments