Fans' day ni AlJur Abrenica na ginanap kamakailan sa activity center ng Trinoma Mall.
Inabutan ng (PEP.ph) Philippine Entertainment Portal) si Aljur sa dressing room na katabi ang rumored girlfriend niya ngayon na si Kylie Padilla. Ang sweet nga nila sa isa't isa.
Tila nabigla pa ang dalawa nang i-approach namin for an interview. Si Kylie, biglang umalis sa tabi ni Aljur at lumipat ng upuan.
Magkalayo man, pansin na pansin namin ang makahulugan nilang tinginan. Nag-uusap sila nang mata sa mata, kumbaga. And with that... paanong hindi mo iisiping sila na nga?
Marami nga ang naintriga sa duet nila ng "Please Be Careful With My Heart." Parang feel na feel nila pareho ang bawat linya ng nasabing love song.
Theme song ba nila 'yon?
"Hindi!" natawang reaksiyon ni Kylie. "I'm here because... siyempre support para sa kanya [Aljur]. At saka parang... masayang kumanta. Mahilig akong kumanta, e.
"Siyempre, support para sa kanya. In-invite ako ng handler [iisa ang handler nila Aljur at Kylie] namin, e."
Ang ama niyang si Robin Padilla, balitang maluwag na raw sa relasyon nila Aljur ngayon. Payag na raw ito na lumabas-labas sila basta umano may curfew na susundin si Kylie.
"Actually ako po ang nagsabi no'n. Pero hindi naman po...curfew.
"Ah... kasi may mga trabaho kami. Na hindi lang naman love life 'yong iniintindi mo. Dapat responsible ka pa rin."
So maluwag na talaga ang Papa niya when in comes to entertaining suitors or... going out with Aljur?
"Okey naman sa kanya.
"Hindi naman sa hindi naging okey. Basta... okey naman sa kanya."
Pero dati kasi, may intriga nga na naaalarma si Robin kay Aljur no'ng nagsisimula pa lang silang maging close ng aktor, di ba?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
11 beautifulgaga_07
10 beautifulgaga_07
9 lanalang08
8 nzabanal
7 fujiko777
6 zhan2010
5 zhan2010
4 shidax
3 shiblee
2 lizzy1230
1 critical_critic