How close are Kylie Padilla (main photo) and Aljur Abrenica (inset)?

"Basta may care.  Siyempre may care. Pero hindi naman 'yong... kami na," Kylie says.

 

Photo: Noel Orsal

Formality na nga yata ang kulang sa kanila ni Aljur para madeklarang sila na nga?

"Pero hindi talaga, e.  Parang... ewan ko."

Gusto naman niya si Aljur, di  ba?

"Oo."

At gusto rin siya ni Aljur?

"I think so!"

Formality na nga lang ang kulang?

Ngiti na lang ang naging reaksiyon ni Kylie.

MOVIE WITH ROBIN AND ALJUR. Ilang beses na nagkaharap na naman daw sina Aljur at ang ama niyang si Robin.  The last time was during the sory conference daw ng pelikulang Mr. Wong sa Regal Films kung saan magkakasama silang tatlo.        

Siguro when they start shooting daw, maiilang nang konti si Kylie kapag nando'n sila halimbawa, ni Aljur tapos Robin is there din.

"Pero pagdating sa set, trabaho lang."

Hindi naman daw talaga naging mahigpit si Robin.

"Wala naman kaming [sila ni Aljur] ginagawang masama, e.  At never naman silang [Aljur and Robin] hindi naging okey."

May pagsasamahang project sina Rhian Ramos, Aljur, at ang pinsan niyang si Bella Padilla.  Supposed to be, may love angle dito sina Aljur at Bella, tapos may kissing scenes pa.  Magelos kaya siya?

"Okey lang.  Di ba nagkasama na sila sa Machete? I grew up watching Aljur.  Tapos [meron] 'yong Alkris [Aljur-Kris Bernal loveteam] dati, di  ba?