Si Ryza Cenon ang gumaganap sa isa sa mga kaibigan ni Kris Bernal sa danserye na Time of My Life ng GMA-7.
Ang last role ni Ryza ay isang kontrabida sa teleserye na Machete.
Masaya naman ang aktres sa nagiging takbo ng kuwento ng danserye nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang resto sa Tomas Morato last Wednesday, September 14.
"Yung Time of My Life, paganda siya nang paganda. Mas nabi-build-up na ang character ng bawat isa kaya masaya. Marami pang mangyayari," aniya.
Dancer sa club ang role niya dito, pero makakasama siya sa grupo na magko-compete sa dance competition. Pagdating sa sayawan, alam ng karamihan na isa ito sa mga forte ni Ryza.
"Happy po ako na magsasayaw na rin ako sa Time of My Life, pero siyempre, I'll still be part of the group lang talaga. So more sa [background] ako. Yung talagang may spot or solo, sina Kris [Bernal] talaga, Mark [Herras], at Sef [Cadayona]."
Tahimik lang si Ryza. For several years, isa siya sa mga Kapuso artists na tanggap lang nang tanggap kung ano mang role ang ibigay.
Bakit parang may frustration siya sa dancing?
"Kasi, pinaghandaan ko siya e. Nag-effort ako. Nag-pole dancing ako. Sariling bulsa ko yun. Tapos hindi ko siya maipapakita sa tao which is, sobrang excited pa ko.
"Nag-update rin ako sa mga fans ko ng pictures... pero, yun nga, hindi pala makikita. Pero okay lang naman po. Ganoon naman po talaga," ang sabi ni Ryza.
Na-explain naman daw sa kanya kung bakit hindi na siya makakapag-pole dancing sa series.
"Nagtanong din ako kasi. May pole sa bar, pero, hindi siya totoong pole. Hindi ko siya ma-grip. So, I asked kung paano ko maipapakita kasi, hindi ko kayang i-grip.
"Tapos sabi nga baka mag-rent na lang. Kaya lang noong tinanong si Ate Ciara [Sotto] kung magkano, namahalan yata. At the same time, hindi rin puede kasi nasa province ang setting ng story. Naintindihan ko rin naman.
"Dinedma ko na lang, tinanggap ko na lang. Kasi, ako naman, kahit na ganoon ang nangyari, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa kasi after Time of My Life, itutuloy ko pa rin naman ang pole-dancing, e.
"Pero after na ng [teleserye], kasi bawal po sa pole ang puyat, bumabali-baligtad ka kasi. Pero na-enjoy ko rin naman po kasi."




0

