Wala muna sa future plans ni Richard Gomez ang muling pagsabak sa politika. Naka-focus kasi ang aktor sa pagtulong sa misis niya na si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez.
Nakapanayam recently ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa SkyDome sa SM North EDSA para sa taping ng Talentadong Pinoy Celebrity Edition (featuring April Gustilo, a.k.a. Congratulations, Nyoy Bolante, Francine Prieto, Edgar Allan Guzman, Tado, at Wendy Valdez).
Nasabi ng actor na priority niya sa ngayon ang pagtulong sa kanilang distrito sa Leyte, although hindi rin naman niya isinasantabi ang mga commitment niya as an actor.
Sinabi ni Goma (taguri kay Richard) na ang pagtulong sa kanilang mga kadistrito at ang showbiz ay kaya naman niyang pagsabayin. Pero nakatutok siya sa ngayon sa pagsuporta kay Rep. Lucy.
"Si Lucy kasi ay nandiyan na sa politika and kailangan ko lang siyang suportahan talaga. Kailangan ko siyang tulungan in any way I can. So yun muna ang focus ko ngayon, si Lucy muna at saka na lang yung political plans ko," panimula niya.
"I enjoy doing both [showbiz and politics] and I work naman anytime e, whether sa showbiz or trabaho sa distrito namin," dagdag na pahabol pa niya.
Ipinahayag ni Richard na naipapasok niya ang kanyang mga idea kay Lucy bilang mambabatas at ito'y nakakatulong talaga nang husto sa kanilang mga nasasakupan.
Very enthusiastic ngang nagkuwento si Richard sa mga accomplishments ng kanyang esposa bilang kinatawan ng Ormoc.
"Iyon kasi ang talagang purpose ng pagtakbo namin e. We really wanted to bring change, we really wanted to bring progress sa distrito namin.
"And you know, we're really very happy because in a year's time, may significant change na nakikita yung mga tao," seryosong pahayag niya.
Patuloy na kuwento pa ni Goma, "Alam mo kasi, yung Ormoc, maraming mahihirap na tao riyan e, at marami riyan ay mga farmer.
"So, nakikita nila na naaayos na yung mga kalsada, nadadagdagan namin yung mga eskuwelahan na kailangan ng mga estudyante.
"Tapos, even yung mga livelihood programs namin ay talagang nariyan, it's more about improving yung agricultural sector... yung mga irrigation namin, yung mga river systems namin ay naaayos na.
"So, yun ang mga tinututukan namin, yung mga bagay na makakatulong talaga sa mga tao."
Proud din si Richard sa pagpapahayag sa assessment niya sa kanyang misis bilang isang seryosong public servant.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
9 rotoscaper
8 gayfairy
7 sipsip
6 winklebee
5 hibangers2
4 under_rated
3 tili_2death
2 jjjjjjjjjj
1 greencardholder