Happy si Aljur Abrenica na pumunta ang rumored girlfriend niyang si Kylie Padilla sa kanyang fans' day last Friday (September 16) na ginanap sa Trinoma Mall. Hindi lang basta special guest niya ang dalagang anak ni Robin Padilla, kundi pumayag pa itong makipag-duet sa kanya na ikinakilig nang husto ng mga fans nilang naroon.
"Sobrang nakakataba ng puso kasi binigyan niya [Kylie] ako ng oras, e," ani Aljur sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
"Sa sobrang busy ni Kylie, nakahanap siya ng panahon para sa akin.
"So... do'n pa lang, sobrang na-touch ako at wala akong masabi kundi sobrang salamat talaga sa kanya."
Si Kylie, kahit anong pangungulit ng mga nakakausap na movie press, hindi mapaamin at talagang ipinagdidiinang magkaibigan lang sila ni Aljur. Pero special na raw ang turingan nila sa isa't isa.
"Oo. Sa ngayon naman, kumbaga wala naman kaming masasabi sa inyo dahil wala naman po talaga. Magkaibigan lang kami ni Kylie," ang sabi ni Aljur.
"At... espesyal lang po ang turingan namin sa isa't isa. Madalas kasi, we have a lot in common, e.
"Kaya nandito ako. Nandito kami para sa isa't isa para magbigay ng suporta. Lalong-lalo na ako. At ituro sa isa't isa kung ano ang nalalaman namin."
Pero nanliligaw ba siya kay Kylie?
"Hindi ko masasabing nanliligaw, e. Kasi more on talagang... hang out lang, e."
Ano ang nakakasagabal para maging officially sila na?
"Wala naman. Kumbaga sa ngayon, hindi kami nagmamadali, e."
May mga nag-iisip kasi na baka walang panliligaw na nangyayari ay dahil sa ama ni Kylie na si Robin Padilla.
"Hindi. Walang kinalaman po si Tito Robin para hindi ako manligaw."
May balitang maluwag na raw si Robin ngayon sa kanila ni Kylie, alam ba niya 'yon?




0

