news

Mark Herras plays a psycho, bad-boy character in new movie, a departure from his usual "pa-sweet" and dramatic roles

by Glen P. Sibonga posted on September 18, 2011  STATS: 6554 Views | 15 Comments

 

Mark Herras on his role in the movie, Hitman: "Kakaiba po yung role na napunta sa akin. First time kong gumanap sa ganitong role na medyo dark ang character. Kasama po kasi ako sa bad guys, sa kontrabida side. Alvin po ang pangalan ko dito, ampon ako," he says.

Photo By: Glen P. Sibonga

Malaking challenge para kay Mark Herras ang role niya sa pelikulang Hitman, na pinagbibidahan ni Cesar Montano. Marami raw kasi siyang firsts na ginawa sa movie na ito na produced ng CM Productions ni Cesar at idi-distribute ng Viva Films.

"Kakaiba po yung role na napunta sa akin. First time kong gumanap sa ganitong role na medyo dark ang character. Kasama po kasi ako sa bad guys, sa kontrabida side.

"Alvin po ang pangalan ko dito, ampon ako. Tatay ko si Ricky Davao, kapatid ko si Joko Diaz, uncle ko si Phillip Salvador.

"First time ko ring gumawa ng isang hard action movie. Tapos first time ko ring gumawa ng movie na humawak ako ng baril.

"Actually, nakahawak na po ako ng baril sa isang taping for TV. Dati kasi pag kalabit ko, napapaganun ako, e, napapaurong at nagugulat pa ako.

"Pero nung dito na sa shooting namin, wala na yung ganun. Nag-e-enjoy na akong magpaputok ng baril. Maya't maya ang naririnig ko puro putok lang pero hindi naman ako nabibingi. So, masaya palang gumawa ng action movie," sabi ni Mark.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Mark sa shooting ng Hitman kagabi, September 17, sa HK Sun Plaza sa Macapagal Blvd., Pasay City.

SUPPORTIVE CAST. Thankful nga si Mark sa suporta at tulong na nakukuha niya mula sa mga kasama niya sa cast na pawang mga magagaling na artista at tinitingalang action stars.

"Nung first shooting day ko po, actually, ang sarap katrabaho nina Kuya Cesar, Kuya Phillip, Kuya Joko, Kuya Ricky, kasi nagbibigay sila ng advice.

"Iga-guide ka nila sa bawat scene, like kung paano mo ide-deliver ang lines mo, kung paano yung dapat mong i-arte sa ganitong eksena. Me isang eksena akong ginawa na tatlong pages po yung monologue na ibinigay sa akin.

"Tapos yung role ko may pagka-psycho.

"So, yung way po ng pag-deliver ko ng lines tinulungan ako ni Kuya Ipe. Mahirap yung eksenang yun kasi may time na umiiyak ako, tapos bigla akong tatawa. Sobra lang akong nagpapasalamat sa kanila dahil sobrang ang babait nilang katrabaho."

Bilang direktor, producer at co-actor niya sa movie, ano ang in-admire niya kay Cesar?

"Napakabait po na tao bilang direktor, artista, wala po akong masasabi sa kanya, sobra pong maalaga. At bawal ang hindi healthy food sa set. Nakita n'yo naman yung katawan nina Kuya Cesar, talagang healthy living po sila.

"Aside from that, yung pagiging professional po ni Direk Cesar, sobrang masarap pong kasama at katrabaho.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

15 Comments

  • 15  farcess

    09/29/2011 | 09:36 AM
    congrats!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  ayezza

    09/20/2011 | 01:28 PM
    di kaya until now dto pa rin si mark,at nakatayo pa rin..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  whatheheck

    09/20/2011 | 12:41 PM
    its about time for this guy... isang dekada na yata ito sayaw ng sayaw...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  MaryaLaDelBario

    09/20/2011 | 10:31 AM
    wish ko ulit ma sight ang notes nya sa camserye
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  oskieness

    09/19/2011 | 10:27 PM
    G0odluck mark..Galing m0 idol..Wag m0 n lng intndhin ang mga kapams dito n naninira dhl d ksama ang idol nla s m0vie n to ni cesar
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  patabel

    09/19/2011 | 05:41 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hit_d_way_u_lye

    09/18/2011 | 10:26 PM
    ay si Markoveh.. bida ng camserye.. siya lang nkakaawa tingnan sa rampa. Goodluck nday!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • greencardholder

    09/18/2011 | 09:23 PM
    ayan chance na yan. sana hindi kunot-noo school of acting agn pakita mo ha. goodluck!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ugly_bitch

    09/18/2011 | 09:04 PM
    at dapat mag reinvent sya sa sarili nya, magpalaki ng katawan. Kung di nya kaya ang deep dramatic actor,maybe action,bad-boy actor will be his niche bcoz of his looks.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ugly_bitch

    09/18/2011 | 09:01 PM
    this type of character wat i want from him kasi his look is really a bad boy. But before dat more workshop still for this man. Be serious on his craft as an actor not just a so-so matinee star.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mindfreak79

    09/18/2011 | 08:43 PM
    i hope he can deliver this time.. tumatanda na nga sya and di na bagay ang pa sweet and love team effect sa kanya. although he still does rock the dance floor..good luck sa movie maki!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapams_saks

    09/18/2011 | 07:38 PM
    maigi at binigyan ng ibang klaseng role to be able to explore ang kakahayan sa pag-arte. kung ganito ang fading, e di mabuti, kasi mas madaming projects dumadating at kahit papaano, may earnings. at saka more than 5 years bago nag-fade... pwede na! pinag-aaksayahan pa ng oras sa pag-basa at pag-bigay ng comments!!! good luck sa new project, mr. mark herras n company!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • patabel

    09/18/2011 | 07:06 PM
    yan ang bagay na role sa personality ni mark.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lovelike

    09/18/2011 | 07:06 PM
    KING OF THE DANCE FLOOR...GALINGAN MO!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tili_2death

    09/18/2011 | 06:55 PM
    early fading star
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About