"Siguro po. Eventually, slowly, kapag nandoon na, malalaman din po natin. Matagal pa naman ang next year," says Sam Concepcion when asked if he can also go sexy like what co-Stages talent Enrique Gil did in Cosmo Bachelor Bash.

Photo: Rose Garcia

Isang dekada na sa showbiz si Sam Concepcion.

Ipinagdiwang ni Sam ang kanyang 10th anniversary sa showbiz sa pamamagitan ng isang party cum press conference kahapon, September 18, sa Jollibee, The Fort.

Kasama sa bilang ni Sam sa kanyang 10 years in showbiz ang una niyang paglabas sa play na The Lion, The Witch and The Wardrobe bago siya sumali sa Little Big Star, ang singing search ng ABS-CBN.

Maganda nga raw na kasabay ng pagse-celebrate niya ng sampung taon sa showbiz ang kanyang pagbabalik teatro via Peter Pan na ipapalabas sa Meralco Theater.

Isama pa sa celebration ang bago niyang single sa kanyang album na Forever Young.

"Sakto lang talaga. It's very fitting that I'm doing na theater rin.

"Parang to culminate the 10 years. Parang sakto that I'm doing Peter Pan."

HAPPY DECADE. When Sam looks back, masaya raw siya sa lahat ng na-achieve niya sa kanyang career in 10 years.

"Yeah, masaya ako sa kung anuman ang meron ako ngayon.

"I'm more than blessed sa lahat ng mga na-experience ko. 

"Although of course, marami pa akong gustong ma-achieve. 

"This is just the start para sa akin. Ito pa lang talaga ang start ng career ko.

"There'll be more things, bigger things to experience and to learn.

"Marami pa po akong pagdadaanan and more albums, more songs, movies, TV [projects].

"Gusto kong ma-try lahat in different kinds of media."